Makapangyarihang pagtatanghal ng buhay at (patuloy na) paglaban ni Bonifacio
Sa saliw ng mga awiting makabayan, isinadula ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno ang buhay at pakikibaka ni Andres Bonifacio sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Hindi lamang isang pagpupugay ang produksiyong Maghimagsik!, nagpapakita rin ito na nagpapatuloy ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa dayuhan at lokal na naghaharing mga uri. […]