Istorya ng Linggo

Mga batang biktima ng kalupitan ng militar

Sina Joseph, Tina at Mica, Erwin at Lara, at iba pang bata ang mga biktima ng abuso ng mga ahente ng militar sa pagkondukta nito ng giyera kontra-insurhensiya. Hiling ng child rights advocates tulad ng Children’s Rehabilitation Center na pakinggan naman ng bibisitang kinatawan ng UN ang boses nila.

Protesta kontra oil price hike, paglaban sa kahirapa’t pambubusabos

Nagpamalas ng pagkakaisa ang iba't ibang sektor sa iba't ibang probinsiya ng bansa para ihayag ang pagkondena sa walang puknat na taas-presyo ng langis. Ngunit simula pa lamang ito, ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM. Determinado silang lalong paigtingin ang mga protesta laban sa tumitinding kahirapan sa bansa at anila'y tumitindi ring pambubusabos sa mga manggagawa at mga mamamayan.

Matinding panganib ng plantang nukleyar, nakita sa Japan

Naipamalas sa nagaganap ngayon sa Hilagang-Silangang bahagi ng Japan ang matinding panganib ng mga plantang nukleyar sa ordinaryong mga mamamayan. Buntung-hininga ang mundo sa posibilidad ng nuclear meltdown. Samantala, para sa isang grupo ng makabayang mga siyentista, parehong panganib ang dala ng plano ng gobyerno na revival ng Bataan Nuclear Power Plant.

Kababaihan inudyukan si P-Noy na umaksiyon sa presyo, sahod

Malubha ang epekto sa kababaihang maralita ng sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng batayang mga bilihin at pamasahe. Nais nilang agarang harapin ng administrasyong Aquino ang pag-ampat sa matinding krisis na ito. Kung kaya't sa martsa ng aabot sa 8,000 katao ng Gabriela sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8, mensahe ng kababaihan kay P-Noy: Gumising ka't kumilos para maibsan ang paghihikahos ng sambayanan. Kung hindi...