Magsasaka

(UPDATED) Lider-magsasaka sa Laguna dinukot ng militar, nakadetine sa Quezon

Natagpuang nakakulong sa Quezon Provincial Police Office ang lider-magsasaka sa Laguna na si Alex Arias, apat na araw matapos mawala at dinukot ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), ginamit ng pulis ang parehong warrant of arrest na ginamit  sa paghuli […]

Warrant of arrest inilabas vs. 23 lider-magsasaka ng Hacienda Luisita

Isang warrant of arrest laban sa mga lider-magsasaka ng Hacienda Luisita ang inilabas ngayong araw ng Tarlac Municipal Trial Court, ayon kay Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU). Sa panayam ng Pinoy Weekly, ikinuwento ni Bais na bandang ala-una ng hapon, tinangkang arestuhin ng mga miyembro ng Philippine National Police si Paul […]

Hacienda Luisita, ‘laboratoryo’ ng Oplan Bayanihan?

Pinaigting ng mga grupong magsasaka ang kanilang panawagan para sa pull-out ng mga puwersang militar sa Hacienda Luisita matapos ang isang fact-finding mission na nagkukumpirma sa matinding militarisasyon sa asyenda ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Inamin mismo ni Maj. Enrico Gil Lleto, tagapagsalita ng 7th Infantry Division, na ipinapatupad sa Hacienda Luisita ang Oplan […]

Magsasaka ng Hacienda Luisita, hinaras, pinaputukan

Kinondena ng mga grupong magsasaka ang pagpapaputok ng mga guwardiya ng Hacienda Luisita, pulisya, at militar sa mga magsasaka sa asyendang pag-aari ng pamilya ni Pang. Benigno Aquino III. Kahapon, binakuran ng 100 guwardiya, 15 miyembro ng Tarlac Provincial Police, at 10 miyembro ng Philippine Army ang binubungkal na lupain ng mga magsasaka sa Brgy. […]

Magsasaka ng palay, apektado sa pagtaas ng presyo ng langis

Nagtipun-tipon ang mga magsasaka ng palay mula sa buong bansa para ihiling sa gobyernong Aquino na itaas ang farmgate price ng palay sa P20 dahil sa patuloy na pagtaas ng gastos sa produksiyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. Sa National Rice Farmers’ Conference na ginanap kahapon sa Quezon City, nagkaisa ang mga magsasaka […]

Larawan: Korte Suprema, hiniling na manindigan sa Luisita

Kasabay ng pagpapatuloy ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado, nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagang manindigan ang mga mahistrado ng Korte suprema ang kanilang naunang desisyon na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)

7 magsasakang dumedepensa sa lupa, inaresto sa Pangasinan

Pitong lider-magsasaka ang inaresto matapos nila tangkaing pigilan ang pagbabakod ng pulisya sa kanilang lupain sa Camp Gregg Military Reservation, Bayambang, Pangasinan. Ayon sa ulat ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Pangasinan, noong nakaraang linggo pa pinipigilan ng mga magsasaka ang pagtatayo ng kongkretong mga bakod. Iniutos umano ang pagbabakod ni Pangasinan […]