Magsasaka

Diskwalipikasyon ng party-list nina Cojuangco, heneral ng HLI masaker, ipinanawagan

Itinutulak ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at election watchdog group na Kontra Daya ang diskwalipikasyon ng mga party-list ng tiyahin ni Pangulong Aquino na si Margarita “Tingting” Cojuangco at ni Quirino Dela Torre, dating pulis heneral na namuno noong masaker sa Hacienda Luisita. Si Cojuangco ay unang nominado ng Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa, habang si Dela Torre ay […]

CARP: 24 taon ng kawalan ng lupa at kalayaan

Kung nagtagumpay ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka, hindi na sila babalik taun-taon sa paanan ng Mendiola para iprotesta ang umano’y huwad na repormang agraryo na pinasimulan ng ina ni Pang. Benigno Aquino III.

Sa pagdukot ng magsasaka sa Quezon: PNoy, idiniin sa ‘retorika’ sa repormang agraryo

Dahil “sawang-sawa na” sa umano’y “retorika” ni Pang. Benigno Aquino III hinggil sa repormang agraryo, sumugod sa tahanan ng pangulo sa Times St. sa Quezon City ang mahigit-kumulang 70 magsasaka mula sa Timog Katagalugan. Nakalapit sa gate ng tahanan ng mga Aquino ang militanteng mga magsasaka mula sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan […]

Special ops, isinasagawa para palayasin mga magsasaka ng Luisita

Idinetalye ng Oplan April Spring ang mga hakbang para makamit ang layuning bakuran ang lupaing inaangkin ng RCBC, kabilang na rito ang panunuhol sa pulisya, mobilisasyon, at paggamit ng midya. Ayon sa mga magsasaka, isa itong patunay ng patuloy na maniobra ng pamilya Cojuangco-Aquino, at kabiguan ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Pagkatapos ng impeachment: Iba’t ibang grupo nanawagan ng paghatol kay Gloria, pamamahagi ng Luisita sa magsasaka

Tapos na ang impeachment trial laban kay Chief Justice Corona, ngunit para sa mga militanteng grupo dapat na isunod agad ang paglitis paghatol at pagkulong kay GMA dahil siya naman daw ang puno't-dulo ng isinagawang paglilitis. Hindi na rin daw dapat magpalusot si Pangulong Aquino, upang umiwas sa pagtugon sa hinaing ng mamamayan para sa kagyat na ginhawa mula sa kahirapan.

‘Hindi pa tapos ang laban’ para sa Luisita

Hindi pa lubos ang tagumpay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa desisyon ng Korte Suprema. Posibleng mapasakamay ulit ng mga Cojuangco ang lupain ng asyenda, sa pamamagitan ng mga taktikang divide-and-rule, at sa pagkaladkad ng paa ng mga ahensiyang nasa ilalim ng opisina ng pangulo.

Pagtatanggol sa lupa at buhay sa Abra

Sa naganap na Araw ng Kordilyera sa Abra, ipinagdiriwang, hindi lamang ang mayamang kultura ng Kordilyera. Isinasariwa din nila ang paglaban para sa karapatan sa lupang ansestral. Makabuluhan ito noong panahon ni Macli-ing Dulag; lalong mas makabuluhan ito ngayon

Ipamahagi na ang lupa sa Hacienda Luisita – Korte Suprema

Kinatigan ng Korte Suprema ang nauna na nitong desisyon noong Nobyembre 2011 na ipamahagi ang lupa sa Hacienda Luisita, Tarlac. “Nandito na ang tagumpay para sa libu-libong magsasaka…pero noon pa dapat itong total land distribution,” ani Lito Bais ng United Luisita Workers Union (ULWU). Ang desisyon ng Korte Suprema ay malaking legal na tagumpay para […]