Maralitang Lungsod

Maralitang lungsod, handa sa banta ng ‘pagpapasabog’ ni PNoy

Bagamat binawi ng administrasyong Aquino ang deklarasyong “pasasabugin” nito ang mga komunidad ng mga maralita sa lungsod (dahil sanhi raw sila ng baha), batid ng mga maralita: Seryoso rito ang gobyerno. Katunayan, matagal na silang pinasasabugan. Matagal na silang dinadahas. Kasabay ng paniningil ng mga mamamayan sa mga kaso ng sapilitang pagdukot sa ilalim ng […]

Naghihintay ng pag-asa sa Tatalon

Karimlan ang bumalot sa buong eskuwelahan ng Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong gabing iyon. Aabot sa 2,000 pamilya ang nakasilong dito matapos lumubog sa baha ang kalakhan ng Tatalon. Walang kuryente sa eskuwelahan — na nakapagtataka dahil sa labas nito, maliwanag ang ilaw ng mga establisimyento. Pinatay ang kuryente sa […]

Lider maralita sa Malabon pinaslang

Pinaslang ng dalawang hindi pa nakikilang salarin si Ernesto Gulfo, 52 taong gulang na taga-Catmon, Malabon noong Mayo 30.  Ayon sa grupong Anakbayan, nagpanggap umanong magbebenta ng tanso ang dalawang salarin kay Gulfo na aktong kakain ng kanyang almusal. Binaril ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang dibdib at hindi na […]

‘Krus na pasanin ng maralitang Pilipino, lalong bumibigat’

Pasan ang krus na simbolo ng kahirapan sa balikat ni Juan Dela Cruz. Mga kidlat na animo’y latigo. Paghambalos na sumisimbolo sa mga kartel ng langis, kasabwat sa pagpapahirap ang mga tauhan ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III bilang Pontio Pilato at si Uncle Sam (gobyernong US), gamit ang programa nitong Public-Private-Partnership Program sa kanilang bersyon ng senakulo sa paggunita ng Mahal na Araw.

Batas kontra maralita, pinababasura sa Korte Suprema

Sa martsa ng mga maralitang lungsod sa pangunguna ng Kadamay noong Marso 23, ipinakita nila sa Korte Suprema at sa publiko ang mga komunidad na naapektuhan ng polisiya ng administrasyong Aquino ng demolisyon. Pinababasura nila ang isang 20-anyos na batas na sinasangkalan ng administrasyon sa demolisyon.

Tigil-pasada, protestang bayan panawagan ng mga maralita vs tuluy-tuloy na OPH

Isang tigil-pasada at “protestang bayan” ang ipinanawagan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kontra sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon sa mga maralitang lungsod, sila umano ang pangunahing tinatamaan sa bawat sentimong pagtaas ng presyo ng langis. Kaya, nanawagan ng Kadamay na muling ulitin ng mga tsuper at iba pang sektor ang matagumpay na protesta at tigil-pasada noong Septyembre 19 noong nakaraang taon na nagparalisa ng transportasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.