Migrante

Balita: Proteksiyon para sa inaabusong kababaihang OFW hiniling

Sa isang piket sa Department of Foreign Affairs noong Hulyo 14, sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, na dumarami ang bilang ng mga kaso ng mga babaing OFW na minamaltrato ng mga employer o pinapahirapan at ikinukulong sa ibayong dagat. Tatlong grupo ng ginahasang mga OFW--isa mula sa Saudi Arabia at dalawa mula sa Oman--ang lumapit sa grupo kamakailan. Samantala, may limang Pilipinang biktima ng human trafficking ang kasalukuyang minomolestiya at nakakulong sa Syria.

Migrante sa HK nagrali para sa minimum na sahod

Nakiisa ang mga OFW (overseas Filipino workers) sa isang rali sa Hong Kong para ipanawagang isama ang mga FDW (foreign domestic workers) sa SMW (Statutory Minimum Wage) bill habang dinidinig ito ng Legislative Council o LegCo noong Hulyo 8. Nagprotesta ang mga miyembro ng United Filipinos in Hong Kong na kasapi ng AMCB (Asian Migrants […]

Zero Remittance Day ipinanawagan laban sa Con-Ass

Isang Zero Remittance Day ang itutugon ng mga migrante sa sandaling magpulong ang Con-Ass o constituent assembly para baguhin ang Konstitusyong 1987. Sa kanilang pagpapapirma kamakailan sa mga seaman sa Kalaw, Maynila laban sa pagpapalawig ng termino (ni Pangulong Arroyo) at panawagan para sa isang Zero Remittance Day, binalaan ng Migrante International ang taumbayan na […]

OFW sa Australia nanawagan ng pagpapatalsik kay GMA

Nanawagan ang mga miyembro ng Migrante-Australia ng pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo dahil sa patuloy nitong pagtutulak sa Cha-Cha o Charter Change. Sa isang 30 minutong programa sa isang istasyon ng radyo sa Sydney noong Hunyo 30, tinalakay ng Migrante kung bakit dapat nang makiisa ang mga OFW sa lumalakas na protesta laban sa balak ng […]

Migrante sa DoLe, POEA: abusadong employer dapat ipagbawal

Dapat pagbawalan ng DoLE (Department of Labor and Employment) – sa pamamagitan ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) at Polo (Philippine Overseas Labor Offices) sa ibang bansa – ang mga abusadong employer sa pagkuha ng mga OFW (overseas Filipino workers) o kaya’y itigil na ang pagpapadala ng mga migrante, ayon sa Migrante-Middle East. Sinabi ni […]

9 na inabusong OFW sa Libya nakauwi na

Siyam na OFW (overseas Filipino workers) na biktima ng labor malpractice sa Libya ang nakauwi na sa Pilipinas noong Hunyo 24 habang lima pa ang naghihintay ng kanilang iskedyul ng pag-uwi, ayon sa Migrante-Middle East. “Siyam sa 14 na OFW na biktima ng labor malpratctice at pagpapalit ng kontrata ang umalis noong Hunyo 24 patungong […]

Inabusong mga OFW sa South Australia suportado ng Migrante

Sinusuportahan ng Migrante-Autralia ang siyam na overseas Filipino workers (OFW) na inabuso umano ng isang Australyanong kontraktor. Isang grupo mula sa Migrante-Melbourne ang lumipad na patungo sa Adelaide, South Australia para makipagpulong sa mga naturang OFW na mainaltrato umano ng Mattena Corporation. Unang bahagi ng Hunyo nang salakayin ng Federal Police at Department of Immigration […]

15 OFW sa Sabah dapat tulungan ng gobyerno

Labinlimang OFW (overseas Filipino workers) ang mamamatay sa gutom kung hindi agad na aaksiyon ang gobyerno, ayon sa Migrante International. Ayon sa grupo, dapat magsagawa ng rescue mission ang administrasyong Arroyo para sa 15 OFW na minamaltrato sa Hoy Chan Plantations sa Jalan Jeroco, Sabah. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, hindi pinaaalis sa […]

Gobyerno nakadepende pa rin sa OFW

Nakadepende pa rin sa trabaho sa ibayong-dagat ang gobyerno batay na rin sa pinakahuling datos sa kawalan ng trabaho ng NSO (National Statistics Office), ayon sa Migrante International. Inanunsiyo ng NSO kamakailan na sumadsad sa 7.5 porsyento noong Abril ang unemployment rate mula sa walong porsyento noong nakaraang taon. Ipinakikita rin ng naturang sarbey na […]