Migrante

OAV registration dapat palawigin – Migrante

Nanawagan ang Migrante International, ang pinakamalawak na alyansa ng mga OFW (overseas Filipino workers) sa buong mundo, sa Comelec (Commission on Elections) na palawigin ng huli ang pagpaparehistro ng OAV (overseas absentee voters) dahil kaunti pa lamang ang nakapagparehistro. Ito’y matapos inanunsiyo ng Comelec kamakailan na inaprubahan na nito ang rehistrasyon ng 4,751 OAV. Pero […]

OFW sa Dubai, ginahasa na, ikinulong pa

Nag-ingay ang mga grupo ng migrante at mambabatas sa Pilipinas sa pagkakakulong sa babaing Overseas Filipino Worker (OFW) matapos magahasa ng anak ng kanyang amo sa Dubai, United Arab Emirates. Binatikos din ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan ang administrasyong sa matagal nitong pagtugon sa kasong ito ni Wilma (di niya totoong pangalan). “Dapat nang itigil […]

30 pang OFW tumakas mula employer sa Libya

Tatlumpu pang OFW (overseas Filipino workers) ang tumakas mula sa kanilang mga employer sa Libya dahil sa di-maayos na kalagayan sa paggawa at pamimilit sa kanila na pumirma ng bagong kontrata. Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, tatlong OFW na kabilang sa mga tumakas mula sa CIFEX World Inc. ang naghatid […]

GMA nanloloko ng Pinoy para magtrabaho sa abroad – GWP

NILOLOKO ni Pangulong Arroyo ang mga Pilipino sa patuloy nitong panghihikayat na magtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng di-katanggap-tanggap na kalagayan ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa Dubai, ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. Sinabi ni Ilagan na walang trabaho at namumulot na lamang ng basura para mabuhay ang mga OFW sa Dubai. […]

Bugok na itlog, regalo ng migrante sa kaarawan ni GMA

BUGOK na itlog ang regalo ng mga migrante kay Pangulong Arroyo sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-62 noong Abril 5. Ayon sa Migrante International, ito’y simbolo ng pagkadisgusto nila sa ‘labor export policy’ ng pangulo. “Walang presidente na naging mas determinadong ibenta ang mga migranteng manggagawa bilang murang kalakal kaysa kay Arroyo,” sabi ni Gina […]