Migrante

Serye ng pagkamatay ng di-kilalang OFW sa Jeddah nakakaalarma – Migrante

Nakakaalarma ang pagkamatay ng dalawang di-kilalang babae na pinaniniwalaang OFW (overseas Filipino workers) sa loob lamang ng isang linggo sa Jeddah, ayon sa Migrante-Middle East. Noong Hunyo 6, iniulat ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah ang bangkay ng isang Filipina na nakalagak sa morge ng isang ospital nang walang dokumento o anumang pagkakakilanlan. Noon namang […]

Dahil sa A(H1N1), gobyerno pinag-iingat sa pagpapadala ng OFW

Dapat mag-ingat ang gobyerno sa pagpapadala ng OFW (overseas Filipino workers) para hindi manganib ang buhay ng mga migranteng manggagawa, ayon sa isang grupo ng mga OFW. Ito ang reaksiyon ng Migrante-Middle East makaraang maitala kamakailan ang unang kaso ng nakamamatay na sakit sa Saudi Arabia na natuklasan sa isang nurse na Pilipina matapos itong […]

OFW galit sa pagpasa ng HR 1109

Tinawag ng mga OFW (overseas Filipino workers) na ‘pagtataksil sa mamamayang Pilipino’ ang ginawang pag-apruba ng Kamara sa House Resolution 1109 para amyendahan ang Konstitusyong 1987. Ayon kay Pol Par, tagapangulo ng Katipunan ng mga Samahan ng Migranteng Manggagawa sa Korea o Kasammako, imoral ang ginawang mabilisang pagpasa ng mga kongresistang maka-Arroyo sa naturang panukala. […]

Asal ng bagong konsulado sa Macau, nakababahala

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga OFW (overseas Filipino workers) sa dumaraming reklamo hinggil sa asal ng bagong konsulado ng Pilipinas sa Macau kaugnay ng pagbibigay nito ng serbisyo sa mga migranteng Pilipino. Ayon sa Migrante-Macau, kung patuloy na darami ang mga ganitong reklamo at hindi aaksiyon ang mga opsiyal ng embahada, nangangamba silang magiging pabigat […]

OFW na naaksidente sa Jeddah, pinababayaan ng gobyerno?

Pinababayaan umano ng gobyerno ang isang OFW (overseas Filipino worker) na nasa isang ospital pa hanggang ngayon sa Jeddah, Saudi Arabia matapos itong ma-comatose sanhi ng aksidenteng naganap noong Setyembre 2008. Ayon sa Migrante-Middle East, inilabas nila nitong Mayo 22 ang balita hinggil sa kaso ni Ruben de Leon, 25 taon gulang, dahil na rin […]

Minimum wage ng OFW sa Hong Kong hiniling suportahan ng gobyerno

Dapat suportahan ng gobyerno ng Pilipinas na makabilang sa legislated minimum wage ang mga OFW (overseas Filipino workers) sa Hong Kong. Ito ang reaksiyon ng Unifil-Migrante-HK (United Filipinos in Hong Kong) habang pinag-uusapan sa Hong Kong ang hindi pagsama sa mga FDW (foreign domestic workers) sa pinaplanong SMW (Statutory Minimum Wage). Ayon kay Dolores Balladares, […]

Pilipina pinaka-diskriminado sa ilalim ng administrasyong Arroyo

Inilarawan silang alipin, malanding kasambahay, walang silbing nurse, at ngayon, isang mail-order-bride. Ito umano ang imahe ng mga Pilipina sa internasyunal na media sa kasalukuyan, ayon sa Migrante International. Ito ang reaksiyon ng grupo sa panunudyo ni Alec Baldwin, isang artistang Amerikano, na kukuha na lamang siya ng Filipina mail-order-bride dahil sa kanyang edad. Bago […]

Opisyal ng embahada sa Kuwait pinaiimbestigahan ng Migrante

Hiniling ng Migrante-Middle East kay DoLE (Department of Labor and Employment) Secretary Marianito Roque na imbestigahan ang isang opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa kawalan ng aksiyon nito sa reklamo ng 39 na OFW (overseas Filipino workers) laban sa kanilang employer. Ayon kay John Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-ME, hindi umaksiyon si Labor […]

Labi ng OFW na inilibing nang buhay, pinauuwi

Nagdaos ng kilos-protesta ang Migrante International sa harap ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Noong Mayo 14 para kondenahin ang kawalang-aksiyon ni Undersecretary Esteban Conejos sa kaso ni Emy Pepito, isang OFW na aksidente sa trabaho. Ayon sa grupo, nailibing nang buhay sa buhangin na may halong kumukulong aspalto ang OFW habang may […]

Sa paghingi ng tulong ng DFA sa Migrante, Conejos tinawag na ‘ipokrito’

Tinawag na ipokrito ng Migrante International si DFA (Department of Foreign Affairs) Undersecretary Esteban Conejos Jr. sa panawagan nitong pakikipagtulungan sa grupo kaugnay ng mga kaso ng mga OFW (overseas Filipino workers). Ayon sa grupo, hungkag ang panawagan ni Conejos, hindi tapat at layunin lamang makakuha ng “pogi points”. Ipinahayag ng Migrante na mula nang […]