Pambansang Isyu

Ang pagtuloy na trahedya sa mga biktima ni Yolanda at ng gobyerno

  Isang araw bago ang komemorasyon sa malagim na paghagupit ng bagyong Yolanda, kasamang nagmartsa ng mga progresibong grupo patungong Mendiola ang ilang biktima.  Bakas pa rin sa kanila ang hinagpis, panghihinayang at galit dahil sa kapabayaan ng gobyerno. Isang taon matapos ang trahedya, nasa mga mata pa rin ni Mabini Cajes, 38,  mula Salvacion, […]

Kumusta ang mga biktima ng Yolanda?

Bago dumating ang huling tag-ulan, nagmadaling kinumpuni ng mag-asawang Maricel at Nelson Alambra ang kanilang munting tahanan sa Sityo Rizal, Barangay Bulao, Basey, Samar. Hindi pa maalis sa kanila ang takot. Bawat paglakas ng hangin, bawat tagaktak ng ulan, tila ibinabalik sila sa alaala ng Nobyembre 8, 2013—nang bisitahin ang Eastern Visayas at buong bansa […]

Sakuna sa panahon ng kapitalismo

Si Yolanda ang bagyong nagdala ng pinakamalakas na hangin sa kasaysayan ng mundo. Ito na rin ang bagyong nagdulot ng pinakamalubhang pinsala sa kasaysayan ng bansa. Maraming eksperto ang naniniwala na ang mga bagyo at iba pang weather disturbances ay dumadalas at lumalakas dahil sa kakaibang pag-init ng mundo. Umano’y nasa kakaibang antas na ang […]

Protestang Halloween sa pagpasa ng 2015 badyet, isinagawa

Habang abala ang mga Pilipino sa paghahanda para sa Undas, isang karimarimarim na pangyayari ang pagpasa ng P2.606 Trilyong panukalang badyet para sa 2015 sa Kamara. Umalma ang iba’t ibang sektoral na organisasyon sa mabilis na pagpasa ng panukalang badyet na anila’y batbat ng anomalya, kabilang ang kawalan ng dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno […]

‘DOH, di handa sa banta ng Ebola’

Hindi totoong handa ang gobyerno ng Pilipinas sa banta ng Ebola virus kung mapunta ang nakamamatay na sakit dito sa bansa, ayon sa mga kawaning pangkalusugan, na nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH). Taliwas ito sa sinasabi ni DOH Sec. Enrique Ona na handa umano ang pamahalaan para sa Ebola. Nakahanda […]

Hustisya kay Laude, hustisya sa sambayanan hiniling

Hustisya para kay Jennifer Laude. Pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ang dalawang panawagan ng mga miyembro ng Justice for Jennifer! Junk VFA Network, na nagsagawa ng candle vigil sa harap ng Kampo Aguinaldo sa Quezon City. Kasabay ito ng paglibing sa Olongapo City ng labi ni Laude na biktima diumano ng pamamaslang ng […]

Mga Abuso ng Tropang Kano Noong Batas Militar

Umaasa pa ba kayong mapipitik man lamang sa bayag ng ating mga batas ang marinong Amerikanong si Joseph Scott Pemberton na pumatay diumano kay Jennifer Laude kamakailan sa Olongapo? Nang nasa Pilipinas pa ang mga base militar ng Amerika sa Sangley Point, Cavite, sa Subic Bay, Olongapo, at sa Clark Field, Pampanga, mga 30 kaso mulang pagpatay […]