Main Story

‘Aquino, di mapagkakatiwalaan sa coco levy fund’

Hindi dapat ipagkatiwala kay Pangulong Aquino ang pondo ng coco levy. Ito ang tugon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa plano ng pangulo na maglabas ng executive order para sa kontrobersiyal na pondo, matapos makipagpulong (Aquino) sa isang grupo ng mga magsasaka mula sa Davao noong Miyerkules. Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, […]

Karahasan sa kababaihan, tumitindi

Nagpahayag ng  pagka-alarma at galit ang grupong pangkakababaihan sa dumadaming kaso ng karahasan sa kababaihan. Sa isang press conference, sinabi ng Gabriela na bukod sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng panggagahasa, parami nang parami ang nabibiktimang mga menor-de-edad. Sa datos ng Philippine National Police (PNP), tumaas ang bilang ng kaso ng panggagahasa mula […]

Bisita sa Vietnam

[cycloneslider id=”32484″] Mas kilala pa ng middle class na kabataan ng henerasyon ko—malamang, kahit ng kabataan ngayon—sina John F. Kennedy at Abraham Lincoln kaysa sina Ho Chi Minh at Mao Zedong. Ang unang dalawa, hinahangaan bilang huwarang mga lider ng demokrasya. Samantala ang pangalawang tambal, siniraan sa popular na kultura at Kanluraning edukasyon, binabansagang masasamang […]

#HLMX | Nagpapatuloy ang laban sa #HaciendaLuisita

[cycloneslider id=”hlmx”] Sampung taon na ang nakaraan, pero batid nilang mahaba pa ang laban para makamit ang tunay na hustisya at reporma sa lupa. Ito ang mensahe ng paggunita ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita at mga tagasuporta nila ang ika-10 taong anibersaryo ng masaker noong Nobyembre 16, 2004. Noong araw na iyon, pitong welgista […]

Mga guro, nagsagawa ng ‘sit-down protest’ para sa dagdag-suweldo

Dahil sa umano’y pagbibingi-bingihan ng adminstrasyong Aquino sa panawagan nila para sa dagdag-sahod, naglunsad ang mga guro sa buong bansa ng sit-down protest. Sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), pumasok ang mga guro sa kani-kanilang klase pero hindi umano sila magturo sa isang buong araw bilang protesta. “Ito’y pagbibigay babala sa pamahalaan na […]

#HLMX | Hacienda Luisita: Senaryo ng Lagim

EDITOR’S NOTE: Ang artikulong ito ay lumabas sa print issue ng Pinoy Weekly noong Nobyembre 24-30, 2004 isyu nito, o mahigit isang linggo matapos ang malagim na masaker sa Hacienda Luisita. Muling inilalathala ng PW ito para sariwain ang nangyari noon sa asyendang inaangkin ng pamilya ni Pangulong Aquino. Si Aquino ang tumayong tagapagsalita ng […]

Sampung taon ng inhustisya, sampung taon ng paglaban

Pinipilit na muling buhayin ng administrasyong Aquino ang matagal nang patay na programa para sa “reporma sa lupa”, ang Comprehenisve Agrarian Reform Program (CARP). Noong Setyembre, ipinasa sa Senado ang Senate Bill No. 2278 na naglalayong tapusin ang pagbibigay ng mga notice of coverage sa mga lupang saklaw ng CARP. Pero marami ang naghuhumiyaw na […]

Tangkang pangongotong sa doktor na isa sa Morong 43, nabisto

Hinuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang piskal na diumano’y nangongotong sa dating bilanggong pulitikal na si Dr. Alexis Montes para ibasura ang isang “nuisance case” na inihabla laban sa kanya ng isang dating military chaplain. Ayon sa mga abogado ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na naghahawak ng kaso […]