Main Story

Kumusta ang kababaihan sa ilalim ng administrasyong Aquino?

Patuloy na krisis at kapabayaan. Ganito ilarawan ng kababaihan ang kanilang kalagayan sa ilalim ng administrasyong Aquino sa mahigit apat na taong panunungkulan nito. Habang patuloy umanong pinababayaan ng gobyerno ang mga naging biktima ng bagyong Yolanda, patuloy din ang bagyong idinudulot ng administrasyon sa kababaihan at mga mamamayan sa taas-presyo ng mga bilihin at […]

Kabataang kababaihan sumugod sa Malakanyang, sinalubong ng dahas

Sumugod sa mismong tarangkahan ng Malakanyang ang mga miyembro ng Gabriela Youth at iba pang kabataan, dalawang araw bago ang Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Inihahayag ng kababaihang kabataan ang kanilang galit kay Pangulong Aquino sa umano’y patuloy na pag-abandona niy  sa karapatan ng kabataan sa edukasyon. Pero sinalubong sila ng marahas na pagtaboy […]

‘Kontra-Pilipinong’ Cha-Cha

Niraratsada ng administrasyong Aquino ang mga pagbabago sa 1987 Konstitusyon. Noong Lunes, ipinasa ng House Committee on Constitutional Amendments ang mga panukala para tanggalin ang natitirang mga probisyon sa Konstitusyon na nagpoprotekta sa ekonomiya ng bansa. Nagkaroon ng sunud-sunod na mga pagdinig hinggil sa Charter Change noong nakaraang mga linggo, sa pamumuno ng mga kaalyado […]

Pagpigil sa pagtaas ng bayarin sa mga pamantasan

Bitbit nila ang satirikal na bersiyon ng mga logo ng mga pamantasan, muling tumungo ng Mendiola, malapit sa paanan ng Malakanyang, ang mga estudyante para ihayag ang galit sa walang habas na taas-singil sa kanilang mga pamantasan. Pinupuntirya nila ang kawalang-aksiyon ng Commission on Higher Education (CHED), ang administrasyong Aquino, at gayundin ang mga administrador […]

Kabuwisitan sa ‘Calendar Shift’ sa UP

Nitong Pebrero nagulantang ang mga estudyante, kawani at guro sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) dahil sa biglaang pagpapalit ng buwan ng pasukan para sa susunod na taong pang-akademiko sa naturang pamantasan. Sa academic year 2014-2015, Agosto na ang magiging simula ng pasukan na magtatapos sa buwan ng Mayo sa UP System dahil sa calendar shift. Hindi […]

Pagtigil sa pagsasapribado ng POC, hiniling sa Korte Suprema

Dalawang araw na nagkampo ang iba’t ibang organisasyon ng mga mamamayan, kasama ang mga kawaning pangkalusugan, sa harapan ng Korte Suprema para hilingin ang temporary restraining order (TRO) laban sa nakaambang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC). Nobyembre pa noong nakaraang taon nagkasundo ang POC at National Economic and Development Authority (NEDA) Board, kabilang ang […]

Panggigipit sa Courage 2, nagpapatuloy

Nadismaya ang mga kawani sa pamahalaan, kasama ang Free Randy and Raul Movement, sa desisyon ng Camarines Norte Provincial Prosecutor na ituloy ang prosekusyon laban sa dalawang organisador ng mga kawani na tinaguriang “Courage 2”. Nagpiket ang mga kawani sa ilalim ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) sa harap ng […]