Lathalain

Patuloy na pandarahas sa piketlayn ng manggagawa sa Pentagon kinondena

Kinondena ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pandarahas sa piketlayn ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. sa Quezon City. Nagresulta ang huling insidente noong Hulyo 13 sa pagkamatay ng isang guwardiya ng kompanya at pagkakasugat ng isa pa. Ilang manggagawa naman ang nasaktan sa pamamato ng upahang goons ng […]

Dalawang magsasaka, isang drayber dinukot sa Bataan

Dalawang magsasaka at isang tricycle driver ang dinukot ng pinaghihinalaang mga elemento ng 703rd Infantry Battalion ng Philippine Army noong Hulyo 11 sa Brgy. Liyang, Pilar, Bataan. Ala-una hanggang alas-dos ng hapon nang dukutin sina Josue Ortiz, 23, at kapwa magsasakang si Manuel Pagkaera, humigit-kumulang 40-anyos, sa bayan ni Pagkaera, kasama ang di-napangalanang tricycle driver […]

Displaced Bondoc Peninsula residents file charges vs military

Residents of Bondoc Peninsula in Quezon province filed cases against the 74th Infantry Battalion of the Philippine Army before the Commission on Human Rights (CHR) for forcing them to flee from their homes during counter-insurgency operations. The Save Bondoc Peninsula Movement, in a statement, said that many civilians were forced to flee  from their homes […]

‘Pondo ng kawani, isinusugal ng GSIS’

“Isusubo na lang ng mga anak at ipangpapagamot namin, ipansusugal pa!” reaksiyon ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) hinggil sa pamumuhunan ng GSIS sa Leisure & Resorts World Corp. (LRWC). Iniulat sa midya na tumanggap ang LRWC ng naturang halaga mula sa GSIS para pondohan […]

‘Dagdag-sahod sa Setyembre, huli na, katiting pa’

“Late na nga ‘yan, malamang katiting pa lalo na kung idadaan sa wage board.” Ito ang reaksiyon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos ianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng magkaroon ng dagdag-sahod sa buwan ng Setyembre ang mga minimum wage earner sa National Capital Region. Sinabi ng grupo na katiting lang […]

Iniluwas na dahas

Pati pasismo, naka-package na rin pala sa labour export program ng gobyerno. Ito ang ipinakita ng ginawang pagbuwag sa camp-out ng mga stranded OFWs sa Riyadh, paggamit sa pinagkumbinang puwersa ng Saudi police at bayarang goons, panghuhuli at pag-torture sa mga OFW at mga lider na ilang buwan nang humihingi ng tulong. Umaabot na ang […]

Pagpaslang kina Greg Bañares ng NDF-Bicol, 7 iba pa, labag sa International Humanitarian Law?

Napaslang sa isang operasyong militar ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army ang tagapagsalita ng rebolusyonaryong National Democratic Front-Bicol (NDF-Bicol) na si Ka Greg Bañares, at pitong kasamahang gerilya noong Hulyo 4, Huwebes, sa Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon. Inihayag ni Samuel Guerrero, tagapagsalita ng Celso Minguez Command ng New People’s Army (NPA) sa Sorsogon, na […]

Si ‘Anakpawis’ sa piketlayn ng mga obrero sa Pentagon

Kahit pumapatak ang ulan, alerto pa rin ang mga manggagawa. Makailang ulit na rin kasing pinagtangkaang buwagin ang kanilang piketlayn ng mga guwardiya at pulis. Ang iba, nakaupo sa mga kubol na natatabingan ng mga tolda, istrimer at plakard na ipinako sa dos-por-dos na kahoy. Ang iba naman, nakasilong sa kubol, nakikipagdiskusyon sa mga kabataang […]

Sa nalalapit na crackdown: Repatriation, ipinaglalaban ng Saudi OFWs

Patuloy ang pagkalampag ng mga Pilipino sa konsulado ng Pilipinas sa Jeddah at Riyadh, Saudi Arabia para igiit ang mabilis na pagpapauwi sa kanila bago ang Hulyo 4 na dedlayn bago ang crackdown ng gobyernong Saudi sa di-dokumentadong overseas Filipino workers (OFW). Iniulat ng Migrante Internationalna alas-10 ng umaga ng Hunyo 30 sa Kingdom of […]

Militanteng paggiit ng karapatan sa pabahay sa Brgy. San Roque, QC

Sa harap ng pulutong ng mga pulis, sa itinayo nilang barikada sa Agham Road, sinikap pa ng mga residente ng Brgy. San Roque sa North Triangle, Quezon City na mapayapang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. “Maayos kaming nakikipag-usap, nagnenegosasyon,” kuwento ni Jennie Espacio, residente ng San Roque na tatamaan ng 11.3 metrong road-widening project ng […]