Lathalain

Panggagahasa sa Okinawa, R&R ng tropang Kano sa Subic, ikinabahala

Ikinabahala ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang panggagahasa ng isang babae sa baseng militar ng Estados Unidos sa Okinawa, Japan noong Oktubre 8. Kasabay ang insidente ng pagtatapos ng Phiblex 13 (Philippines-US amphibious landing exercise), ang pinakahuling ehersisyong militar sa pagitan ng mga tropang Amerikano at Pilipino na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. […]

Militar pinapanagot sa masaker sa pamilya ng katutubong kontra sa mina

Masaker, hindi engkuwentro. Ito ang iginigiit ng iba’t ibang grupo kasama na ang simbahang Katoliko sa naganap na insidente sa Tampakan South Cotabato noong Oktubre 18. Napaslang noon si Juvy Capion at mga anak niyang sina John, 8, at Jorge, 13. Si Juvy ay asawa ni Daguil Capion na isang lider-katutubo ng tribong B’laan, at […]

‘Badyet ni PNoy sa 2013, gagamitin sa eleksiyon’

Election budget at hindi empowerment budget. Ganito ilarawan ng Kabataan Party-list ang PhP2-Trilyong pambansang badyet para sa 2013 ng administrasyong Aquino na naipasa sa Kongreso sa third reading na nauna pa maging sa taunang General Appropriations Bill. Kasi naman, anila, lumabas sa diskusyon sa Kongreso na lulan ng naipasang badyet ang higit na pork barrel, […]

Banta ng ‘muling pagnakaw’ sa pondo ng coco levy

Ang matagal na pagluluto ng kopra ay simbolo umano ng napakatagal na nilang paghihintay para mabawi ang kanilang pondo. Alam nilang sa paglaban lamang mapapabilis ang pagpapasakamay ito, lalo na sa ilalim ng gobyernong tila may ibang plano.

Malagim na tortyur ng militar sa maling taong dinukot

Nasa gobyerno pangunahin ang pagbibigay proteksiyon at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat taong inaaresto, rebelde man o simpleng mamamayan. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng batas laban sa tortyur noong 2009, patuloy pa ring ginagamit ng mga puwersa ng estado ang pagtortyur. Ganito ang akusasyon ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan sa mga elemento ng […]

RH Bill, itinutulak sa gitna ng badyet pangkalusugan na P1 bawat Pinoy

Itinutulak ng Gabriela ang kagyat na pagsisimula ng talakayan ng Kongreso sa mga amyenda sa Reproductive Health (RH) Bill, matapos maaprubahan ng Mababang Kapulungan ang 2013 pambansang badyet na naglalaan lamang ng P1.10 para sa kalusugan ng bawat Pilipino. Sa isang piket sa harap ng House of Representatives kahapon, binatikos ng grupo ang kawalan ng […]

Lider kontra pagmimina sa Batangas, nakaligtas sa pagpaslang

Sugatan ang isang lider-kababaihan na kontra pagmimina matapos ang tangkang pamamaslang kahapon sa probinsya ng Batangas. Ayon sa ulat ng Gabriela-Southern Tagalog, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at naka-bonnet ang bumaril kay Daisy Ayo, kasapi ng Gabriela-Batangas at miyembro ng Samahan at Ugnayan ng Mamamayan ng Batangas, sa palengke ng Brgy. Lucsuhin, Calatagan. “Masuwerte lamang […]

Leksiyon ng mga guro sa labas ng klasrum

  Tungkulin ng mga guro na hubugin ang kaisipan ng kabataan na siyang pag-asa ng bayan. Pero para sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), tungkulin din ng mga guro ang makipaglaban – para sa kanilang sariling interes, at sa interes ng mga mamamayan. Noong Oktubre 5, pinagdiwang ng mga guro ng ACT ang International Teachers’ […]

‘People power, nagpatigil sa implementasyon ng Cybercrime Law’

Ipinagdiwang ng iba’t ibang grupo, mamamayan at netizens ang deklarasyon ng 120-araw na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Pero nagkakaisa sila sa pagtinging pansamantala pa lamang ang tagumpay na ito. Sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isa sa mga […]

Free the new media, defy e-martial law

As outrage against the Cybercrime Prevention Act of 2012 continues to snowball and create unprecedented unity and defiance among netizens, the Aquino administration has not backed down in its resolve to implement a clearly draconian measure designed to curtail our most basic civil liberties—the right to freedom of expression, of speech, and of the press. […]