Lathalain

Batas kontra maralita, pinababasura sa Korte Suprema

Sa martsa ng mga maralitang lungsod sa pangunguna ng Kadamay noong Marso 23, ipinakita nila sa Korte Suprema at sa publiko ang mga komunidad na naapektuhan ng polisiya ng administrasyong Aquino ng demolisyon. Pinababasura nila ang isang 20-anyos na batas na sinasangkalan ng administrasyon sa demolisyon.

PNoy binanatan ng KMU sa pagtanggi sa P125 dagdag-sahod

Manhid si Pang. Benigno Aquino III sa kalagayan ng mga manggagawa at mahihirap na taumbayan sa tahasang pagtanggi sa hiling na P125 dagdag-sahod. Ito ang pahayag ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU), matapos ihayag ng Malakanyang ang pagtutol nito sa panukalang dagdag-sahod ng mga manggagawa.

OFWs tagumpay laban sa panukalang Philhealth premium hike

Ikinagalak ng mga grupo ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang pag-atras sa planong pagtaas nang 160% sa singil ng Philhealth premium fees. Inilabas noong Pebrero ang Memorandum Circular No. 007, series of 2012,na nag-aatras ng pagpapatupad ng pagtaas ng singil ng Philhealth premiums sa Enero 1, 2013. Saad ng Philhealth na ito ay para “sa […]

Oplan Bayanihan, ipinrotesta ng kababaihan at grupong pangkarapatan

Kasabay ng isinasagawang pulong ng United Nations Human Rights Committee sa New York kung saan nakatakdang pag-usapan ang kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas, nagsagawa kahapon ng isang piket-protesta ang iba’t ibang grupo sa harap ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Kampo Aguinaldo. Kanilang binatikos ang Oplan Bayanihan, ang kontra-insurhensiyang programa […]

Warrant of arrest inilabas vs. 23 lider-magsasaka ng Hacienda Luisita

Isang warrant of arrest laban sa mga lider-magsasaka ng Hacienda Luisita ang inilabas ngayong araw ng Tarlac Municipal Trial Court, ayon kay Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU). Sa panayam ng Pinoy Weekly, ikinuwento ni Bais na bandang ala-una ng hapon, tinangkang arestuhin ng mga miyembro ng Philippine National Police si Paul […]