Lathalain

Pagkondena sa SM lumalawak

Malawakang pagkondena ang natanggap ng SM sa pagmamatigas nitong putulin ang 182 pine trees na karatig ng mall nito sa Baguio City. Marami ang nananawagan ng pagboykot sa lahat ng mall ni Henry Sy dahil sa naturang insidente. Muling nabibigyang-pansin din ang nakaraan at kasalukuyang paglabag ng SM sa karapatan ng mga manggagawa nito.

Militanteng kabataan, target din ng giyera kontra-insurhensiya?

Mula nang pumasok ang kasalukuyang taon, sunud-sunod na ang atake sa karapatan ng militanteng kabataan. Pinakahuli nito ang panghaharas at paniniktik sa dalawang lider-aktibista mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila. Target na ba sila ng Oplan Bayanihan ng militar at administrasyong Aquino?

Larawan: Polyetong ‘Wanted: Palparan’ pinakakalat ngayong Mahal na Araw

"Wanted: Palparan" poster na ipinaskil ng mga grupong tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa mga sakayan ng bus sa Cubao papunta sa mga probinsiya. Si dating Hen. Jovito Palparan ay notoryus na opisyal ng militar na nagpatupad ng madugong mga atake laban sa mga aktibista sa iba't ibang probinsiya ng bansa. Naglabas noong Nobyembre ng mandamyento de aresto ang korte sa Bulacan sa kaso ng pagdukot sa dalawang kabataang aktibista na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. (Macky Macaspac)

‘Krus na pasanin ng maralitang Pilipino, lalong bumibigat’

Pasan ang krus na simbolo ng kahirapan sa balikat ni Juan Dela Cruz. Mga kidlat na animo’y latigo. Paghambalos na sumisimbolo sa mga kartel ng langis, kasabwat sa pagpapahirap ang mga tauhan ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III bilang Pontio Pilato at si Uncle Sam (gobyernong US), gamit ang programa nitong Public-Private-Partnership Program sa kanilang bersyon ng senakulo sa paggunita ng Mahal na Araw.

Panibagong paglabag sa karapatan ng mga bata

Bagong programang kontra-insurhensiya, bagong mga batang nabibiktima ng paglabag sa kanilang mga karapatan. Isiniwalat ng mga grupong pangkarapatang pantao at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata na umiigting ang mga abuso ng mga militar sa mga bata.

Di makita ang parada

Habang nagkakandarapa ang mga Dabawenyo na makita ang parada sa selebrasyon ng ika-75 Araw ng Dabaw, isang matandang bulag ang nanlilimos ng kaunting atensiyon at barya. (Ace R. Morandante/Davao Today)

Baliktad na mundo sa industriyang BPO

Sagot ng administrasyong Aquino sa kakulangan ng trabaho sa bansa ang call centers o industriya ng Business Process Outsourcing. Pero lumalabas sa mga pag-aaral na limitado lamang ang naeempleyo nito. At iyung naeempleyo, labis na napagsasamantalahan.