Pinoy at Tsino sa HK, nagkakaisa sa paghangad ng hustisya
Sa gitna ng tumitinding galit ng mga residente ng Hong Kong sa gobyerno ng Pilipinas, ipinakita ng mga migranteng Pinoy sa HK na kaisa sila sa pagdadalamhati at paghangad ng hustisya. Nagkakaisa rin sila sa pagkondena sa 'palpak' na administrasyong Aquino.