Lathalain

Ang nilutong ‘kasunduan’ sa Hacienda Luisita

Hindi sinasalamin ng kasunduan sa pagitan ng pamilyang Cojuangco-Aquino at umano'y pekeng mga lider ang tunay na sentimiyento ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Sinasalamin nito ang pagiging huwad ng repormang agraryo.

Aquino, ayaw makipag-usap sa NDF?

Bago pa man nakapagsimula, binarahan na ng gobyernong Aquino ang pakikipag-usap sa rebolusyonaryong kilusan na nag-aaklas sa kasalukuyang sistema. Hindi pa nga nakakapagbuo ng negotiating panel, nagpataw pa ng kondisyon sa mga rebelde na magtigil-putukan bago sila kakausapin ng gobyerno.

Marquez patuloy sa paghahabol kay Pacquiao

Patuloy ang paghahabol ni Juan Manuel Marquez sa isa pang laban kontra kay Manny Pacquiao. Matapos mapagwagian ang rematch niya kontra kay Juan Diaz noong Hulyo 31 at mapanatili ang kanyang korona ng World Boxing Association lightweight, tinawag niya ulit ang pangalan ni Pacquiao para sa maaaring ikatlo niyang laban kontra sa Pilipino. ‘The trilogy […]

Antonio Margarito naghahanda nang harapin si Pacquiao

Naghahanda na ang kampo ni Antonio Margarito sa kanyang pakikihapagharap kay Manny Pacquiao para sa titulo ng World Boxing Council super-welterweight. Sa isang hakbang patungo sa napipintong sagupaan, ang dating kampeon ng welterweight ay pormal na naghain ng aplikasyon para sa reinstatement ng kanyang lisensiya sa estado ng California sa US. Sumubok nang makipagusap ang […]

Video: Pagkilos sa panahon ng ilusyon

Nakinig sila sa State of the Nation Address ni Pang. Benigno Aquino III, pero pagkatapos nito, pakiramdam nila'y tila si Aquino ang hindi nakinig sa kanila.

E-passport: Anomalyang ngayon pinagbabayaran

Tulad ng pagkalimot ni Pang. Noynoy Aquino na banggitin man lang ang mga OFW sa kanyang State of the Nation Address, tila kinalimutan din ang maanomalyang e-passport ng DFA. Kung sabagay, ang tagapanguna kasi ng maanomalyang proyektong ito ay ang isa sa unang itinalaga ni PNoy na na miyembro ng kanyang gabinete -- si DFA Sec. Alberto Romulo.

Mga Larawan: ‘Perya Pinas’ na protesta sa unang SONA ni PNoy

Mas makapangyarihan ang parlamento ng lansangan kaysa sa parlamento sa loob ng Batasan Pambansa. Ito ang sabi ng isang militanteng kongresista sa aabot sa 10,000 katao na nagprotesta sa Commonwealth Avenue kaalinsabay ng State of the Nation Address ni Pang. Noynoy Aquino.