Lathalain

Pamilyang OFW, ‘iskuwater’ sa tabi ng konsulado sa Jeddah

Naninirahan nang parang mga iskuwater ang mahigit 20 istranded at runaway na mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa tabi mismo ng gusali ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia, ayon sa grupong Migrante- Middle East. “Inutusan ni Pang. Benigno Aquino III ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensiya ng gobyerno na […]

Bustamante kampeon sa WPA 9-Ball

Nakopo ni Django Bustamante ang kampeonato sa kakatapos na 2010 World Pool Championships (World 9-Ball) na ginanap sa Doha, Qatar. Natapos kahapon ang mahabang pakikipaglaban ng 16 na mga pinoy na nakaabot sa round-of-64 knockout stage, na kinabibiliangan nina Bustamante, Efren “Bata” Reyes, Lee Van Corteza, Jeffrey De Luna, Antonio Gabica, Dennis Orcollo, Ronnie Alcano, […]

Araw ng migrante sa UAE, matagumpay na idinaos

Dubai, UAE –  Matagumpay na idinaos ng Migrante-UAE ang kauna-unahang Migrants’ Forum sa United Arab Emirates bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Migranteng Pilipino kaalinsabay sa paggunita sa ika-112 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 18 sa Al Nasr Leisureland, Oud Metha, Dubai. Dumalo sa naturang talakayan ang halos 200 delegado mula sa iba’t […]

Gabriela sa Japan, itinatag

Nagkaisa ang aabot sa isandaang kababaihang Pinay sa Japan para itatag ang tsapter ng Gabriela sa naturang bansa. Sa kongreso ng pagkakatatag nito noong Hunyo 27, inanunsiyo ng mga kababaihang Pilipina mula sa iba’t ibang organisasyon at lugar sa Japan ang pagtatag sa Gabriela-Japan. Ginanap ang kongreso sa Nagoya Women’s Center sa Nagoya, Japan. “Natutuwa […]

Pinay na boksingero nakabangon sa pagkabigo!

Ilang buwan matapos mabigo, nakabangon si Luciana Julaton at nabawi ang kanyang titulo bilang kampeon ng boksing. Ginapi ng Fil-Am na boksingero na binansagang “the hurricane” si Maria Elena Villalobos ng Mehiko sa kanilang 10-round na laban sa Ontario Canada noong Hunyo 30. Isang halos basag-ulo ang ginawang istilo ni Villalobos sa pagsapit ng ika-3 […]

Mga Larawan: Pagdiriwang, panawagan at paninindigan, sa pag-upo ni P-Noy

Dalawang pagdiriwang ang pinuntahan ng Pinoy Weekly noong Hunyo 30, 2010. Ang una, ang pagdiriwang para sa inagurasyon ni Pang. Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III at Bise-Pres. Jejomar Binay Jr. Ang pangalawa, pagdiriwang ng pag-alis sa wakas sa puwesto ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, at pagkilos para ipanawagang tupdin ng bagong gobyerno ang matagal nang hiling ng mga magsasaka.

Libu-libong OFW umalma sa presyo ng e-passport

Mahigit 10,000 migranteng Pilipino sa Hong Kong ang pumirma ng isang petisyon para igiit sa bagong administrasyong Aquino na babaan ang singil sa e-passport na umano’y overpriced. Isinumite ngayon ng mga grupong United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK) at Gabriela- Hong Kong sa Philippine Consulate General ang petisyon, isang araw bago manumpa si Benigno “Noynoy” […]