Lathalain

Mga Larawan: Rampa’t protesta sa Batasan Pambansa

Sa loob ng Batasan Pambansa kung saan nagtalumpati si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, rumampa ang mga personalidad. Pati ang militanteng kongresista, rumampa rin -- siyempre, dala ang mga panawagan ng mga mamamayan.

Kailan sila magkakaroon ng disenteng pabahay?

Hindi negosyo ang pabahay; karapatang pantao ito ng mga maralita. Isang disenteng pabahay na malapit sa maaaring pagkukunan ng kabuhayan ang makatarungang hiling nila. Ang tanong: May sapat na puso at paninindigan ba si Bise-Pres. at HUDCC Chair Jejomar Binay para tugunan ito?

Masarap na pagkain, mabahong pangalan

Sarap na sarap ang mga kostumer sa pagkaing inorder nila sa kainan na ito ng Japanese food. Di nila alintana ang mabantot na pangalan ng kainan. Pero, nakakatuwa o nakakaintriga naman, diba? (Kuha ni Tom Estrera III sa National Road, Poblacion, Muntinlupa).

Sa dapithapon ng kanyang pakikibaka

Matanda na si Tatay Pascual, pero nakibaka siya para sa kanyang karapatan sa lupa. Nais lang niya na manatili sa kanila ang kanilang sakahan para may maipamana sa kanyang mga apo. Pero dahil dito, pinag-initan umano siya ng militar. Si Tatay Pascual Guevarra ang isa sa unang mga biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ng gobyernong Aquino.

Pinoy napatay sa Iran

Dubai – Nanawagan ang Migrante-UAE sa Embahada ng Pilipinas sa UAE (United Arab Emirates) na tingnan ang kondisyon ng mga Pinoy sa Isla ng Kish sa Iran matapos mapatay ang isang OFW na nagtungo sa naturang isla galing Dubai para magpalit ng visa. Napatay noong Hulyo 1 si Mark Lloyd Carmen, 24, matapos saksakin ng […]

Aral mula sa pakikibakang sosyalista ni Joan Hinton

Sipi mula sa autobiography nina Joan Hinton at Sid Engst, na isa ring pambihirang silip sa mga pangyayari sa Tsina, mula sa sosyalistang rekonstruksiyon hanggang sa unti-unting panunumbalik sa landas ng kapitalismo. Isinulat ang libro ng kanilang matalik na kaibigan na si Dao-yuan Chao.

Kailan pa mapaparusahan ang may malubhang sala sa bayan?

Malabong may “milagrong” malilikha ang Truth Commission na itinatag ni Pang. Aquino para imbestigahan ang mga katiwalian ni dating pangulong Arroyo. Kailangang magmatyag ang taumbayan, at gamitin ang lahat ng paraan at larangan para mapasailalim na sa hustisya ang isang pangulong tiranikal at korap na namuno sa ating bansa.

Amerikano susubukan ng Smart-Gilas sa Jones Cup

Magsisimula bukas ang 32rd William R. Jones Cup sa Taiwan, at muling sasabak dito ang Smart-Gilas national team sa pag-asang makakapagpakita ng mahusay na laro. Para kay Smart-Gilas head coach Rajko Toroman mula sa Serbia, mahalaga ang torneo para sa all-amateur na koponan sa agasbak nila kontra sa pambansang koponan ng Iran, kasalukuyang kampeon ng […]