Lathalain

Boksingerong Venezuelan, natagpuang patay

Isang boksingero na minamatang ilalaban kay Manny Pacquiao ang pumanaw nitong Lunes. Natagpuan ang bangkay ni Edwin Valero sa kanyang kulungan. Nagbigti si Valero ayon sa ulat ng pulisya, matapos siyang mahuli sa pagkakapaslang sa kanyang asawa. Tanyag si Valero sa kanyang walang talong karta, at dahil sa knockout ang lahat ng kanyang panalo. May […]

Arroyo, hinamon na sagipin ang Kabalen na OFW

Nanawagan ang Migrante-Middle East kay Pangulong Arroyo na kumilos para sagipin ang buhay ng 30-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joseph (di tunay na pangalan), na hinatulan kamakailan ng korte ng Saudi Arabia ng parusang kamatayan dahil sa diumano’y pagpatay ng kanyang landlord na Sudanese noong nakaraang taon. Tubong Mexico sa Pampanga, probinsya […]

Notoryus na kompanyang Annasban sinuspinde ng POEA

Ikinatuwa ng mga Pilipinong manggagawa ng Annasban Group of Companies sa Saudi Arabia ang desisyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong Abril 12 na pansamantalang isuspinde ang lahat ng aplikasyon para sa kompanya, dahil sa mga reklamo ng iba’t ibang paglabag sa paggawa. Nalaman ng mga biktima ng Annasban ang balita nang dumalo sila […]

Senatoriables at OFW, pumirma ng kasunduan

Pumirma ngayon ng kasunduan ang limang senatoriables at mga Overseas Filipino Worker, sa pangunguna ng Migrante International, sa isang 7-Point Migrants Covenant para sa pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mahigit 10 milyong migranteng Pilipino. Sa isang press conference sa Quezon City ngayong araw, sumang-ayon sina Liza Maza (Makabayan/Nacionalista Party), Gwen Pimentel (NP), Apolinario “Jun” […]

Kalayaan mula sa gutom at lason

Naniniwala ang mga magsasaka na ang mundong walang IRRI ay isang mundo na malaya sa monopolyo sa mga klase ng palay, gayundin sa kamatayan at mga sakit na dulot ng agro-chemical na itinataguyod ng IRRI.

Eleksiyon 2010: Diskarte sa panlipunang serbisyo ng susunod na pangulo

Taun-taon, naglalaan ang gobyerno ng pinakamalaking bahagi ng badyet para sa pagbayad ng utang panlabas. Taun-taon din, unti-unting tinatapyasan ang badyet para sa batayang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay. May bago bang ipinapangako ang mga kandidato sa pagkapresidente?

Panayam sa dalawang lider-rebolusyonaryo

May batayan ba ang ipinagmamalaki ng CPP-NPA? Kumusta na ba ang “matagalang digmang bayan”—ang pagkalahatang estratehiya na ginagamit ng CPP-NPA—at ang mga taong tila walang kapaguran na nagsusulong nito sa kanayunan? Dalawang rebolusyonaryong lider ang sumagot sa isang panayam ng Liberation International.