Lathalain

Eleksiyong 2010: Hamon ng obrero

Oo na, para na sa mahihirap silang mga kandidato sa pagkapresidente. Pero di ba mga manggagawa ang ilan sa pinaka-naghihirap sa bansa ngayon? Bakit walang malinaw na tindig ang karamihan sa mga presidentiable sa mga usapin ng dagdag-sahod at kontraktuwalisasyon?

Itim na propaganda, itim na laso

Sa Luzon man, Visayas, o Mindanao, may sulat na natatanggap ang sinumang kandidatong nakikipag-ugnayan kina Satur Ocampo, Liza Maza, at progresibong mga party-list. Ang iba'y naninira; ang iba'y direktang nagbabanta.

Batuhan ng putik

Likas na sa panahon ng eleksiyon ang batuhan ng akusasyon at labasan ng baho. Pero tila walang kasingtindi ang paglipana ng mga tsismis ngayon. Tuloy, hindi napag-uusapan ang mga isyu at platapormang dapat sanang ginagamit ng mga mamamayan na batayan para mamili ng kandidato.

Matumal na pagboto ng OFW, saan maisisisi?

Mas masigasig pa kaysa sa gobyerno ang mga organisasyong migrante sa paghikayat ng mga Overseas Filipino Worker na bumoto. Alamin ang iba't ibang salik ng mababang turnout ng Overseas Absentee Voting.

Ang totoo sa ‘Villarroyo’

Pakawala ba talaga ng kasalukuyang rehimen si Manny Villar? Wala mang matibay na patunay at lantarang ispekulatibo, aktibong ipinapakalat ang mga tsismis ng mga katunggali ni Villar para pabagsakin siya sa halalan.

Eleksiyong 2010: Sino ang may pinakaberdeng plataporma?

Lahat nangangakong may pagmamahal sila sa kalikasan. Pero kung bubulatlatin ang rekord at plataporma ng mga kandidato, makikita na iba-iba ang pamamaraan nila ng sinasabing pagmamahal. Iba-iba rin ang aktuwal na implikasyon sa kalikasan ng mga paninindigang ito.

Boksingerong Venezuelan, natagpuang patay

Isang boksingero na minamatang ilalaban kay Manny Pacquiao ang pumanaw nitong Lunes. Natagpuan ang bangkay ni Edwin Valero sa kanyang kulungan. Nagbigti si Valero ayon sa ulat ng pulisya, matapos siyang mahuli sa pagkakapaslang sa kanyang asawa. Tanyag si Valero sa kanyang walang talong karta, at dahil sa knockout ang lahat ng kanyang panalo. May […]