Lathalain

Video: Pagpapahirap sa botanteng Pilipino

"Matagumpay" ang unang automated na halalan sa bansa, ayon sa Comelec. Pero 'di agad malilimutan ng mga botanteng Pilipino ang pagpapahirap na kanilang naranasan noong araw na iyon, na dumulo sa malawakang disenfranchisement.

Congressman Pacman maghahanda sa laban – sa ring o sa Kongreso?

Napagwagian ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kontra kay Roy Chiongban sa lalawigan ng Saranggani sa Mindanaw. Sa ika 10 ng gabi noong Martes, nakakuha na si Pacman ng 56,810 boto kontra sa 28,506 ni Chiongbian. Ito, matapos siyang makatanggap ng mga paalala na baka matalo siya sa halalan. Marami nang naghalintulad ng labanang ito […]

Noynoy binati, hinamon ng grupong OFW

Binati ng alyansa ng mga Overseas Filipino Worker sa Gitnang Silangan si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na nangunguna sa paunang mga resulta ng eleksiyon sa pagkapangulo, sa kabila ng pagsuporta nito sa kalaban ni Aquino na si Sen. Manuel Villar. “We would like to convey our best wishes to soon-to-be President-elect, Noynoy Aquino, who is […]

Comelec, nanlilinlang hinggil sa OAV?

Mariing binatikos ng Migrante International ang umano’y “maling” presentasyon at paggamit ng Comelec (Commission on Elections) sa paunang resulta ng Overseas Absentee Voting (OAV) para ipakitang mananatiling mataas ang voter’s turnout bukas sa kabila ng malaganap na problema sa pagdaos ng automated na halalan. Sa huling press conference ng Comelec ngayong hapon, sinabi nitong ipinapakita ng itinakbo ng […]

Serbian maaaring maglaro para sa Smart-Gilas Team Pilipinas

Isang sentro ang maaaring pumorma para sa Smart-Gilas Philippine Team sa pagsabak nila sa liga sa buwan na ito. Si Milan Vucicevic ang titignang maglalaro para sa koponan ng bansa sa darating na 21st FIBA-Asia Champions na gaganapin sa Doha, Qatar. Kayang maglaro ng Serbian sa posisyon ng forward at sentro. Tinitignan na malaking tulong […]

Noynoy Aquino: Anong Demokrasya?

Kung para sa demokrasya si Noynoy Aquino, hindi niya dapat isantabi at siraan ang mga progresibo, ayon sa bidyo-ulat na ito hinggil sa pakikitungo sa Kaliwa ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo. Ang pagiging malapit ni Aquino sa social democrats at hindi pagtugon sa ugat ng rebelyon ay senyales umano na posible ang pinakamasasahol na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang rehimen, kung sakaling manalo.

11 karpinterong Pinoy sa Dubai, inonse

Dubai, UAE – Baluktot ang kamangha-manghang modernong disenyo ng tinatapos nilang tore; ngunit mas baluktot ang patakaran ng kumpanyang kanilang napasukan. Idinemanda ng 11 karpinterong OFW sa Dubai Ministry of Labour ang Batimat Building Materials LLC, isa sa mga sub-contractor na gumagawa sa matayog na Infinity Tower sa Dubai Marina. Dalawa’t kalahating buwan silang hindi […]