Photo Essay: Pagtaboy sa mga maralita sa isang Tenement Housing sa Tejeros, Makati
Mga larawan ni Danny Pata
Mga larawan ni Danny Pata
Basahin ang kaugnay na istorya: Alyansa ng kabataan kontra Cha-Cha, inilunsad
Nangangamba ang mga oposisyunistang mambabatas sa mga posibleng baguhin ng Constituent Assembly sa Konstitusyong 1987. Panayam kina Rep. Darlene Antonino-Custodio, Gilbert Remulla, Jose de Venecia, at Sen. Rodolfo Biazon sa kilos-protesta laban sa Con-Ass noong Hunyo 10 sa Ayala Ave., Makati City.
Mga eksena sa Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa Makati noong Hunyo 10. Mula 13,000 hanggang 15,000 ang tinatayang bilang ng mga dumalo sa kilos-protesta laban sa planong Charter Change ng mga alyado ng Malakanyang sa Kamara. Ayon sa oposisyon, simula lamang ito sa mga serye na lulundo sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Abagan ang susunod na kabanata.
Ayon sa mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, magpapatuloy ang pangangamkam ng lupa at konsentrasyon nito sa kamay ng iilang panginoong-maylupa at korporasyon dahil sa ipinasa ng Kongreso na limang-taong ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Gayunpaman, magpapatuloy diumano ang kanilang laban para sa tunay na reporma sa lupa, dahasin man sila ng gobyernong Arroyo gaya ng ginawa nito sa kanilang kilos-protesta kontra sa CARP at Constituent Assembly noong Hunyo 4.
Mga kuha ni Darius Galang
Panayam kay Deputy Minority Leader Satur Ocampo hinggil sa tunay na layunin ng gobyernong Arroyo sa pagratsada ng Kamara sa House Resolution 1109 o pagbubuo ng Constituent Assembly, at ang susunod na hakbang ng minorya at ng mga mamamayang Pilipino para labanan ito. (Hunyo 3, 2009)