Multimedia

Mga Larawan: Protesta sa Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur noong Hunyo 26

Pinangunahan ng Karapatan, Desaparecidos, Samahan ng mga Ex-Detaines Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (Selda) at Hustisya ang piket sa harap ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City noong Hunyo 26, 2009. Idineklara ang araw na iyon bilang Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur. Sa araw ding ito, noong 2006, dinukot […]

Video: Testimonya ng OFW na nakaligtas sa panggagahasa

Sa dalawang magkakahiwalay na insidente noong nakaraang buwan, tinangkang gahasahin ang domestic helper na si Aliyah (di tunay na pangalan), ni Abu Khalid, isang Arabong may-ari ng recruitment agency sa Saudi Arabia. Mayroong 20 pang Pinay na naninirahan sa recruitment agency ang ginahasa at kailangang sagipin mula sa kamay ng rapist, ayon kay Aliyah. Inilahad […]

Video: Eksenang Tahimik ni Jess Santiago

Bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw kontra sa Tortyur, narito ang isang music video ng tula at awitin ni Jess Santiago mula sa Free Jonas Burgos Movement. Musika ni Santiago, inareglo ng Radio Active Sago Project. Bidyo at mga larawan mula sa Projekt Desap.

Video: Wala Nang Balikbayan, dokumentaryo hinggil sa pakikipagsapalaran ng mga OFW

Nakatanaw sa bukas na mas maaliwalas, libu-libong Pilipino ang lumuluwas araw-araw para magtrabaho sa ibayong-dagat. Pero ang ilan sa kanila, bangkay nang nakakabalik sa bansa. Ang dokumentaryong ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga OFW na paminsa'y nauuwi sa kanilang kamatayan. Tampok nito ang mga istorya nina Eugenia Baja, Julie Candido, at Cecilia Alcaraz. Ipinapakita rin sa dokumentaryo kung papaano namumulat ang mga OFW sa kanilang karapatan at nagsisimulang kuwestiyunin ang labor export program ng gobyerno.

Video: Pangamba ng mambabatas ng oposisyon sa Con-Ass

Nangangamba ang mga oposisyunistang mambabatas sa mga posibleng baguhin ng Constituent Assembly sa Konstitusyong 1987. Panayam kina Rep. Darlene Antonino-Custodio, Gilbert Remulla, Jose de Venecia, at Sen. Rodolfo Biazon sa kilos-protesta laban sa Con-Ass noong Hunyo 10 sa Ayala Ave., Makati City.