Video: ‘Di kami nang-aatake ng sibilyan o nakikipag-ugnayan sa terorista’ –MILF

Hindi pa man nagaganap ang pambobomba malapit sa isang parokya sa Cotabato City noong Hulyo 5, iginigiit na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi nila polisiya ang pang-aatake sa mga sibilyan, Muslim man o Kristiyano. Panoorin ang bidyo mula sa isang press conference ng MILF noong Hulyo 1 : Kasabay nito, inilinaw ng […]

Hindi pa man nagaganap ang pambobomba malapit sa isang parokya sa Cotabato City noong Hulyo 5, iginigiit na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi nila polisiya ang pang-aatake sa mga sibilyan, Muslim man o Kristiyano.

Panoorin ang bidyo mula sa isang press conference ng MILF noong Hulyo 1 :

Kasabay nito, inilinaw ng grupo na hindi sila nakikipag-ugnayan sa mga teroristang grupo gaya ng Jemaah Islamiyah (JI).

Panoorin ang bidyo:

Inakusahan ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y special operations group ng MILF, na sinanay diumano ng teroristang JI, bilang nasa likod ng nasabing pambobomba na ikinamatay ng anim na katao at ikinasugat ng marami pang iba.

Pero “walang batayan” at “iresponsable” ang akusasyon, ayon kay Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF. Nananawagan ang grupo ng indipendiyenteng imbestigasyon sa insidente.

Kinatigan ng MILF ang pagtingin ni dating House Espiker Jose de Venecia na posibleng kagagawan ng gobyernong Arroyo ang serye ng mga pambobomba para magkaroon ng dahilan para magdeklara ng batas militar, sa gitna ng lumalakas na pagtutol sa term extension ng pangulo.

Inilinaw ni Kabalu na walang special operations group ang mga rebeldeng Moro. Umano’y isinisisi sa kanila ang pagsabog ng mga “gustong madiskaril ang usapang kapayapaan” at “mas may kakayahan na magsagawa ng mga pambobomba, di lang sa Cotabato City kundi sa buong bansa.”

Basahin ang istorya hinggil sa pinakahuling sitwasyon ng giyera sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng Moro