Photo Story

Photo Story | Pagbabalik ng Manobo sa Lianga

Agosto 29 ang huling araw ng mga Manobo sa evacuation center sa Tandag, Surigao del Sur. Kumpirmadong napalikas na ang mga militar (sa ngayon, banta pa nila) na nanirahan sa kanilang mga tahanan sa Lianga. Natuwa ang mahigit 1,700 bakwit na Manobo. Iniligpit na ang kanilang mga gamit. Nagluto na ng mababaon. Maaga silang natulog. Handa na silang umuwi.

Hacienda Luisita ngayon

May kakaibang nangyayari sa Hacienda Luisita ngayon. 60 porisyento ng lupaing dating kaharian ng mga Cojuangco sa Tarlac na pinagtatamnan dati ng tubo ang ngayo’y inangkin na ng mga magsasaka. Tinatamnan na nila ng palay at iba pang pananim na pakikinabangan nila. Ito kaya ang dahilan kung bakit itinutulak na tumakbo si Noynoy Aquino sa […]

Mga Larawan: Burol at misa para kay Cory Aquino

Bumisita ang Pinoy Weekly noong Agosto 2, 2009 sa burol ng dating pangulong Cory Aquino sa De La Salle-Greenhills. Sa kanto pa lamang ng Edsa at Ortigas Avenue, may pila na (at nakaikot pa) ang mga mamamayang gustong maaninag ang labi ni Aquino. Sa pagsapit ng gabi, lalong dumami ang mga nasa pila. Ang loob […]

Photo Essay: Mata sa mata ang hangad na hustisya

Nagkaharap sila. Hangad ng isang panig, patindihin pa ang pagsupil sa pinagbibintangang mga rebelde’t kaaway ng estado. Hangad ng kabilang panig, hustisya. Hustisyang mata sa mata.

Larawan at video: SONA sa kalsada 2009

Habang nagtatalumpati sa Gloria, sa labas ng Batasan Pambansa, sa kalsada ng Commonwealth, aabot sa 20,000 ang nagmartsa, nagpaulan, sumayaw, kumanta, humiyaw, nagsunog. Gusto nilang masigurong ito na nga ang huling SONA ni Gloria. (Mga Larawan at Video)

Mga Larawan: Protesta sa Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur noong Hunyo 26

Pinangunahan ng Karapatan, Desaparecidos, Samahan ng mga Ex-Detaines Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (Selda) at Hustisya ang piket sa harap ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City noong Hunyo 26, 2009. Idineklara ang araw na iyon bilang Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur. Sa araw ding ito, noong 2006, dinukot […]