Photo Story

Mga Larawan: Humigit-kumulang 12,000 katao nagrali sa Makati kontra sa Con-Ass

Mga eksena sa Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa Makati noong Hunyo 10. Mula 13,000 hanggang 15,000 ang tinatayang bilang ng mga dumalo sa kilos-protesta laban sa planong Charter Change ng mga alyado ng Malakanyang sa Kamara. Ayon sa oposisyon, simula lamang ito sa mga serye na lulundo sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Abagan ang susunod na kabanata.

Photo Essay: Maralitang itinaboy mula sa riles

Mga larawan ng marahas na pagdemolis noong Abril 27 ng mga tauhan ng Philippine National Railways (PNR) sa kabahayan ng mahigit 800 pamilya sa Sucat Purok 4-6 sa Muntinlupa, Manila para bigyang daan ang tinaguriang South Rail Project.