Photo Story

Pansamantalang tulong, pangmatagalang laban

Sa ilalim ng pamahalaang hindi nila naasahang sumagip sa kanila sa panahon ng panganib, naipamalas nilang sa kanilang pagkakaisa'y kaya nilang magpunyagi at makaahon. Narito ang mga larawan at dalawang artikulo hinggil sa relief efforts sa Kamaynilaan ng militanteng mga organisasyon matapos ang pagragasa ng bagyong Ondoy.

Mga Larawan: Tatlong maralitang komunidad sa Quezon City

Maralita ang mayorya sa daan-daan libong nabiktima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 26. Sila iyong mga nakatira sa mga barung-barong sa mga laylayan ng lungsod, sa mga tabing-ilog at mabababang lugar. Ito ang mga larawan ng tatlong maralitang komunidad sa Quezon City na nasalanta ni Ondoy, pero lumalaban.

Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silangan

Libing na pangmaramihan ang nagaganap ngayon sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silangan sa Batasan, Quezon City. Dito masisilip ang mukha ng trahedya ng pananalasa ng bagyong Ondoy at kapabayaan diumano ng gobyerno.