Photo Story

Video: Welga ng estudyante, guro, kawani ng SUCs kontra budget cut

Mataas ang diwa ng pakikibaka ng mga estudyanteng lumahok sa martsa patungong Mendiola, Manila noong Setyembre 23, 2011. Matarungan daw kasi ang kahilingan nila: ang itulak ang gobyerno na patuloy na suportahan ang edukasyon at serbisyong panlipunan.

Bidyo-ulat: ‘Kayo ang busabos’

Habang lumilipas ang mga araw, lalong lumilinaw sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang panloloko ng pamilya Cojuangco-Aquino sa pagpapapirma sa kanila ng compromise agreement. Nangako silang tuloy ang laban para sa lupa.

Mga Larawan: ‘Perya Pinas’ na protesta sa unang SONA ni PNoy

Mas makapangyarihan ang parlamento ng lansangan kaysa sa parlamento sa loob ng Batasan Pambansa. Ito ang sabi ng isang militanteng kongresista sa aabot sa 10,000 katao na nagprotesta sa Commonwealth Avenue kaalinsabay ng State of the Nation Address ni Pang. Noynoy Aquino.

Mga Larawan: Rampa’t protesta sa Batasan Pambansa

Sa loob ng Batasan Pambansa kung saan nagtalumpati si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, rumampa ang mga personalidad. Pati ang militanteng kongresista, rumampa rin -- siyempre, dala ang mga panawagan ng mga mamamayan.

Mga Larawan: Pagdiriwang, panawagan at paninindigan, sa pag-upo ni P-Noy

Dalawang pagdiriwang ang pinuntahan ng Pinoy Weekly noong Hunyo 30, 2010. Ang una, ang pagdiriwang para sa inagurasyon ni Pang. Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III at Bise-Pres. Jejomar Binay Jr. Ang pangalawa, pagdiriwang ng pag-alis sa wakas sa puwesto ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, at pagkilos para ipanawagang tupdin ng bagong gobyerno ang matagal nang hiling ng mga magsasaka.