Photo Story

Ron de Vera | Fatherless Figure

There comes a time in every person’s life when the only way to move forward is by looking back. In my 30th year of existence, and my father’s 20th year of absence, this is exactly what I did. This photo essay is the witness to my journey. I was turning 10 when my father disappeared. […]

Mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center (Photo Essay)

Siksikan sa mga ward ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center, nang mabisita ng Pinoy Weekly. Pati ang mga hallway at corridor, mistulang ward na rin, sa dami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa tanging ospital sa bansa na nag-iispesyalisa sa orthopedics o paggamot sa mga sakit na may kaugnayan sa buto. Hirap ang mga istap ng POC sa paglilingkod sa maraming pasyente na dumudulog sa ospital -- pero sinisikap nilang matugunan ang pangangailangan nila. Silang mga maralitang pasyente at manggagawang pangkalusugan ang nangunguna ngayon sa pagtutol sa pagsasapribado sa POC

Abogado Romeo T. Capulong: Mula personal tungong pambayan

Pumanaw si Atty. Romeo T. Capulong o RTC noong Setyembre 16, matapos ang matagal na pagka-?confine? sa Manila Medical Doctors Hospital. ?Ikinaluksa ng iba't ibang organisasyong masa ang pagpanaw ng isang "abogado ng bayan" at ?pioneer ?sa ?public interest law, ?o paggamit sa batas para sa interes ng publiko, sa bansa. Ang artikulong ito ay unang inilathala sa Pinoy Weekly (weekly print edition) noong Oktubre 18-24, 2006

100,000 obrero nagmartsa sa Araw ng Paggawa

Para sa mga manggagawang Pilipino sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, tuta ng gobyernong US, at ng mga kapitalista, komprador at panginoong maylupa si Pangulong Aquino. Sa pamamagitan ng dambuhalang protesta noong Araw ng Paggawa, Mayo 1, ipinakita nila ang matinding disgusto sa kasalukuyang administrasyon at Pangulo

Larawan at bidyo: Rebolusyonaryong obrero nagdiwang sa anibersaryo ng NPA

Ipinagbunyi ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU), isang underground organization na kasapi ng National Democratic Front, ang ika-43 anibersaryo ng New People's Army. Nagmartsa ang mga ito sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City. Ang NPA at NDF, sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines, ay naglulunsad ng armadong pakikibaka mula 1969 para pabagsakin ang kasalukuyang pampulitika at pang-ekonomiyang sistema sa bansa.

Brutal na dispersal sa kampuhan, tatlong araw bago Human Rights Day

Tatlong araw bago ang International Human Rights Day, brutal na dinispers ng mga pulis ang mga nagpoprotestang kabataan, manggagawa, kababaihan at iba pang sektor na nagnanais na magkampo sa Mendiola. Masasabing nahigitan pa nito ang brutalidad ng pulis sa nakaraang mga dispersal noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo.