Editoryal | Tama na, tapusin na
Huling State of the Nation Address na ng rehimeng Aquino. Nakatanaw na ang rehimen lampas 2016 para ipagpatuloy ang ‘tuwid na daan’ nito. Pero hindi ang sambayanan. ‘Tama na! Tapusin na!’ ang umaaligawngaw na panawagan ng sambayanang nagdurusa sa higit limang taon nang panunungkulan ni Pangulong Aquino.