Kapirasong Kritika

Mahirap Maging Mahirap

Mahirap maging mahirap ngayon. Hindi lang ito nangangahulugan ng pagdama ng karalitaan; pinagmumukha pa itong kasing-kahulugan ng karalitaan ng pagdama. Sa ilalim ng pangulong ang pangako noong eleksyon ay “Kung walang corrupt, walang mahirap,” ang pagiging mahirap ay pinapalabas na pangako ng pagiging corrupted

Kritik + Alternatib

Probokatibo ang “How the left lost the argument,” maikling sanaysay ng bantog at kontrobersyal na pilosopong Slovenian na si Slavoj Zizek na nagtatasa sa nakamit ng Kaliwa sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya at pampinansya na pumutok noong 2008

Malay Niya kay Maita

Gaya ng ipinakita ng kakatapos na Araw ng mga Patay, malaki ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa mga yumao na. Isang halimbawa rin ang pag-iwas nating magsabi ng mga negatibong bagay tungkol sa mga kakamatay lang – kahit pa nga, sa ilang pagkakataon, katuli-tuligsa talaga ang namatay

Kwentong Akbayan

(1) Totoo, nauna ang Akbayan sa paglahok sa eleksyong partylist. Hindi kailangang ipagsigawang noong 1998 pa lang ay lumahok na ito samantalang ang mga progresibong partylist tulad ng Bayan Muna, noong 2001 pa lang. Nasa loob pa lang ng Kaliwa ang mga pasimuno ng Akbayan, gustung-gusto na nilang lumahok sa eleksyon at pumasok sa gobyerno […]

Simply Jesse

Nang mamatay si Sec. Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government, pinapurihan siya nang todo ng gobyernong Aquino, ng mga imperyalistang institusyon, at ng grupong Akbayan, kasabwat ang dominanteng masmidya. Inilarawan siya na pulitikong malinis, tunay at puspusan sa paglilingkod, simple ang pamumuhay, malapit sa karaniwang tao, nagdulot ng mga pagbabago, at marami […]

Cybercrime After Time

Sabi ni Paul Virilio, pilosopong Pranses, “Ang bawat teknolohiya ay nagpoprodyus, nag-uudyok, nagpoprograma ng isang partikular na aksidente… Ang pagkakaimbento ng highway ay ang pagkakaimbento ng tatlong daang kotseng nagsasalpukan sa loob ng limang minuto. Ang pagkakaimbento ng eroplano ay ang pagkakaimbento ng pagbagsak ng eroplano… [Pure War, 1997].” Ano kaya ang aksidenteng partikular sa […]

Angie, Angie

Rebyu ng Angie Bisuña-Ipong, Mars Marata, at iba pang bilanggong pulitikal, A Red Rose for Andrea: Writings from Prison. Quezon City: Southern Voices Printing Press, 2012. 148 pahina

Kahol Walang Kagat

Laman ng balita ang panenermon ni Pang. Noynoy Aquino sa Bureau of Immigration sa ika-72 anibersaryo pa man din nito. Sinermonan niya ang ahensya sa pagpapatakas sa bansa mga sikat na suspek sa mga krimen at pagpapapasok naman sa mga miyembro ng dayuhang sindikato sa cybercrime human trafficking. Kasama sa una sina dating Gob. Joel […]

Lagay ng Panahon

Bago si Kuya Kim ay si Ernie Baron. At bago si Ernie Baron ay si Amado Pineda – isang empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pag-asa na naghahatid ng balita sa telebisyon. Noon iyun, nang hindi pa minamaksimisa ng mga estasyon sa telebisyon ang ulat hinggil sa lagay ng panahon para magpasikat ng talento nila

Kasalanan ng Mahihirap

Nitong mga nakaraang taon, sa tuwi na lang may kalamidad sa bansa, nagkakaroon ng pyesta ng pagsisi sa mga maralita. Ang mga maralitang lungsod, sinisisi kung bakit naninirahan sa tabi ng estero at mapanganib na lugar. Ang lahat ng maralita, maging sa kanayunan, sinisisi kung bakit ayaw umalis sa kani-kanilang bahay kapag mataas na ang baha at pinipilit ilikas ng mga rescuer. Nitong huli, sinisisi sila sa pagbaha, dahil sila raw ang nagtatapon ng basura na bumabara sa mga daanan ng tubig