Kapirasong Kritika

Napikon sa Noynoying

Sa mga matagal nang nakakabasa ng mga sulatin ni Joel Rocamora, dating presidente ng Akbayan at ngayo’y hepe ng National Anti-Poverty Commission, may ilang bagay na kapansin-pansin sa kanyang depensa sa pangulo laban sa nauusong “Noynoying.” Sa titulo pa lang na “?Noynoying’ is [the RAs are] Annoying,” napakatahas na ng kanyang tono. Wala na ang mapagpatawa, palabiro, at mapangutyang estilo na gamit niya lalo na sa pagbanat sa Kaliwa. Tirang pikon siya: “annoying political gimmick,” “cheap publicity gimmick.” Ganyan siguro talaga ang transisyon mula sa mga kontra-Kaliwa at mayayamang NGO patungo sa mismong trono ng kapangyarihang pampulitika sa bansa.

Alyas Diyosa

“Nabalitaan mo na ang nangyari kay Sheena?” tanong ng isang kaibigan sa text. At nalungkot na siya agad. Alam niya ang ibig sabihin noon, lalo na’t nabanggit na sa text, walang alyas-alyas, ang pangalan ng kaibigang sumapi sa New People’s Army o NPA. Nagtanong pa rin siya, umaasa sa pinakamagandang senaryo sa ganoong pagkakataon, na […]

Sikolohiya at Seksismo

Sa ngayon, alam na ng marami ang kasong sexual harassment na isinampa ni Cristy Ramos, anak ni dating Pang. Fidel V. Ramos at match commissioner ng FIFA, laban sa dalawang manlalaro ng Azkals. Aniya, nagsasagawa siya ng “team check” sa dugout ng koponan ng football nang mangyari ang insidente. Ang manlalarong si Lexton Moy, humirit daw tungkol sa size ng bra niya, at nagtawanan ang mga manlalaro. Si Angel Guirado naman, hinarap siya nang naka-brief, parang nanunubok at hindi nagtakip.

Aquino IIImpeachment

“Mabuti bersus masama.” Ito ang balangkas ng kwentong pinalaganap ng kampo ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III noong tumatakbo pa lang siya sa eleksyon. Syempre, siya umano ang mabuti at si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo ang masama – kahit pa hindi naman siya tampok na lumaban dito.

The Greatest

Sa isang banda, matagal na siyang patay bilang mang-aawit. Kahit may mga kwento-kwentong magaling pa rin siyang kumanta kapag hindi nakadroga, alam ng mga tunay na tagahanga ang totoo: Hindi na siya makakakanta pang muli, lalo na nang kasing-husay ng dati

Reimbensyon ng Diskursong Kolonyal

Maraming problematiko at kaprote-protesta sa “Restoring US presence,” editoryal ng Philippine Daily Inquirer na lumabas noong 30 Enero. Sinang-ayunan at binigyang-katwiran nito ang pagtagal at pagsaklaw, o ang lubusang pagbabalik, ng presensyang militar ng US sa Pilipinas. Gumamit ito ng maraming kasuklam-suklam na taktika sa propaganda para ibenta ang nasabing posisyon.

Bantayan si Enrile

Ilang araw matapos magsimula ang paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Chief Justice Renato Corona, nanawagan si Rep. Niel Tupas, Jr. ng prosekusyon na maging mas “liberal” ang Senado sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa paglilitis. Hindi ako tagahanga ni Tupas, hindi ko alam kung bakit “Niel” at hindi “Neil” ang ispeling ng pangalan niya, at isa siya sa paglilitis na hitik sa drama ang pagsasalita na parang sabik tumakbong senador sa darating na eleksyon. Nadulas ang dila niya: Ang “liberal” kayang panawagan ay kasingkahulugan ng partidong “Liberal” ni Pang. Aquino?

40% Hanap-seks

Sumikat, lalo na sa Internet, ang “It’s more fun in the Philippines,” ang bagong islogang panturismo ng gobyernong Aquino. Tama si Katrina Stuart-Santiago: pinagkatuwaan ang islogan pero hindi gaanong nakwestyon ang pinagmumulan nito – ang patakaran ng gobyerno na ibayong palakasin ang turismo sa bansa. Kung titingnan nga ang Philippine Labor and Employment Plan ng gobyernong Aquino para sa 2011-2016, nangunguna ang turismo sa itinuturing nitong dapat palakasin para makapagparami ng may-trabaho.

Tsansa ng Tsina

Sa mga kasaysayan ng neoliberalismo, na kinikilalang naging tampok na pwersang pampulitika sa mundo noong huling bahagi ng dekada ’70 at maagang bahagi ng dekada ’80, madalas na ang tinutukoy na mga lider-pasimuno ay sina Ronald Reagan ng US at Margaret Thatcher ng Britanya. May mahalagang dagdag si David Harvey, Marxistang intelektwal: si Deng Xiaoping ng Tsina.

Segunda Mano, Segunda Klase

Kung hindi ako nagkakamali, madalas na may lahok na pelikulang katatakutan o horror sa taunang Metro Manila Film Festival. Higit pa siguro sa usapin ng paghahain ng de-kalidad na sine, na umano’y dahilan ng MMFF, kumikita ang ganitong mga pelikula. Sa hirap ng buhay, tiyak na magtatatlong-isip ang kahit sino na maglabas ng P180 para lang manood sa sinehan – kumpara sa di-hamak na mas murang DVD. Pero may pang-akit ang panonood ng katatakutan sa mismong sinehan, dahil swak ang dilim at buong sitwasyon at sensasyon sa ganitong palabas.