Amazing Grade
Isang paglalantad o pagsisiwalat. Iyan ang panukala kong pangunahing pagbasa sa viral, kontrobersyal, at probokatibong Facebook status ni Prop. Gerardo Lanuza na kumukwestyon sa ugnayan ng pagkakaroon ng maraming gradong 1.0 at ng pagiging matalino sa hanay ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas o UP.