Opinyon

Nakatanim sa Bawat Pagkilos

“Ang intelektwal, tulad ng manunulat, ay lagi’t laging (necessarily) pampubliko,” sabi Prop. Luis V. Teodoro, progresibong intelektwal at guro ng pamamahayag, sa kanyang bagong sanaysay na “Writers and Public Intellectuals.” Sipi raw ang naturang sulatin sa susing pananalita niyang “Interpreting the World: the Writer as Public Intellectual” sa kumperensya ng balangay sa Pilipinas ng PEN […]

May Tula

oo, mga makata ng inaaliping lahi may tula nga sa gumagapang na langgam sa nalaglag na mga butil ng asukal o sa kumikiwal na uod sa nabubulok na laman o sa dumarapong langaw sa ninananang kamay may tula rin sa nagdurugong puso o sa himutok at tagulaylay ng pangungulilang sinlamig ng yelo ng mga nilikhang […]

Mahirap Maging Mahirap

Mahirap maging mahirap ngayon. Hindi lang ito nangangahulugan ng pagdama ng karalitaan; pinagmumukha pa itong kasing-kahulugan ng karalitaan ng pagdama. Sa ilalim ng pangulong ang pangako noong eleksyon ay “Kung walang corrupt, walang mahirap,” ang pagiging mahirap ay pinapalabas na pangako ng pagiging corrupted

Hijo y Hija de Puta

hijo y hija de puta, caramba! di pa tapos ang panahon ng mga padre salvi, damaso at camorra sa harap ng europeong mga santo at santa humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija tulad ng mga madre noong dekada sisenta sa giyera-patani sa dating belgian congo […]

Kritik + Alternatib

Probokatibo ang “How the left lost the argument,” maikling sanaysay ng bantog at kontrobersyal na pilosopong Slovenian na si Slavoj Zizek na nagtatasa sa nakamit ng Kaliwa sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya at pampinansya na pumutok noong 2008

Gunitain

gunitain / silang binaril sa bunganga / silang pinutulan ng dila / dahil isiniwalat / mga lihim at hiwaga / sa palasyo ng mga pinagpala