Opinyon

Bukas na liham sa mga opisyal ng Globe Telecom

Nakakuha ako ng dalawang statement of account (SOA) para sa Nobyembre at Disyembre 2012 mula sa inyong kompanya. May mga dapat daw akong bayaran. Nakapagtataka lang dahil noong 2009 ko pa hiniling ang permanenteng diskoneksiyon (permanent disconnection) ng aking Globe mobile phone account. Pagkakuha ko pa lang ng unang SOA, agad-agad akong pumunta noong Disyembre […]

Ang Mali ni Ricky

Marami na ang nakapagsulat tungkol sa kontrobersyal na interbyu ni Ricky Lo, kolumnistang pang-showbiz, kay Anne Hathaway, sikat na artistang Amerikano. Maliban sa mga kapanalig sa showbiz ni Lo, mas marami ang tumutuligsa kaysa nagtatanggol sa kanya sa isyu. Saan, saan nagkamali si Lo sa panayam kay Hathaway? Sa tingin ko, sa nilalaman at porma. […]

Force of Hobbit

Dahil libre ng isang kaibigan, nanood siya ng The Hobbit noong Disyembre sa sinehan. Napanood din niya ang The Lord of the Rings pero hindi nabasa ang pamosong libro ni J.R.R. Tolkien. Hindi kinaya ng paghanga niya kay Lean Alejandro, lider-aktibista, na basahin ang umano’y paboritong katha nito. Kahit may ideya siyang buhay at makakaligtas […]

FYI sa FOI

Ang mabilisang pagsang-ayon ay kailangang maiwasan. Ang bulag na pagsuporta ay kailangang maiwasto. Bagama’t walang debate sa usapin ng pakikipaglaban para sa mga batayang kalayaan, marami pa rin tayong dapat malaman tungkol sa panukalang batas na naglalayon diumanong protektahan at itaguyod ang kalayaan sa impormasyon (freedom of information o FOI). Ipinasa ang Senate Bill No. […]

Dumilat Ka, Indio!

sa mahabang panahong pagkakahimbing / dumilat ka / ikaw indio / ng aking la tierra pobreza / humulagpos ka sa pagkakadena / sa bilangguan / ng dalita’t dusa / tupukin ang bartolina

Cybercrime law at ang pag-aaral ng peryodismo

Kung seryoso kang mag-aaral ng peryodismo, kailangan mong tutulan ang cybercrime law. Ipinatupad noong Oktubre 3 ang Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012 o mas kilala bilang cybercrime law). Pinatawan ito ng 120 araw na temporary restraining order (TRO) noong Oktubre 9 ng Korte Suprema dahil sa 15 petisyon mula sa iba’t […]

Natutulog Pa Rin Ang Negrong Nazareno

ilang kahang sigarilyo, lolo hugo sa maghapo’y kailangang ibenta mo para maibili ng pansit-gisado sa restawran ni be ho sa kanto ng elizondo naghihintay mong bunsong apo sa nakaluhod na barungbarong sa gilid ng mabahong estero? ostiya na lamang kaya ang iuwi mo sagana sa altar ni padre san pedro sabawan ang kanin ng agua […]

`Noynoying’ bilang salita ng taon?

Wala akong kapangyarihang magtakda pero may karapatan naman akong mag-akda! Hindi pa huli ang lahat para hikayatin ang mga eksperto sa wikang Filipino na gawing salita ng taon ang “noynoying” kahit na naging popular ito noong Marso 2012 at hindi na ito masyadong ginagamit ngayon. Pero ang anumang kakulangan nito sa popularidad ay natutugunan naman […]

Lennon Hindi Lenin

May nag-email sa akin ng isang status sa Facebook ni Leloy Claudio, tagapangulo ng Akbayan-Youth. Bungad niya, “Mga kasama sa [Communist Party of the Philippines], patawarin ninyo ako kung takot ako sa mga Leninistang katulad ninyo.” Tapos, sinipi na niya ang sumusunod: “Ang sabi ko sa kanya, ?Vladimir Ilyich, kapag naagaw mo na ang kapangyarihan, […]

Mula Tarima Hanggang

Mula tarima hanggang sa ipising kasilyas isang di iniisip na hakbang ng tsinelas. Mula tarima hanggang d’yan sa rehas na bakal isang buga ng usok at dukwang na mabagal. Mula tarima hanggang sa erya ng dalawan isang pasilyong putol kundi man ay dal’wang buwan. Mula tarima hanggang dalawin na ng himbing isang buong magdamag, buong […]