Opinyon

Kung bakit hindi dapat pangalanan ang nagpakamatay

Salamat sa midya, alam na nating lahat ang kanyang pangalan. Umaga pa lang ng Biyernes (Marso 15), unti-unting kumalat ang balitang nagpakamatay ang isang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Manila dahil sa diumanong kawalan ng pambayad sa matrikula. Sari-saring kuwento, kanya-kanyang haka-haka. Sa kabila ng limitadong impormasyon noong araw na iyon, hindi nagdalawang-isip ang […]

Kay Kristel***

(naglagablab ang utak ko nag-alipato ang mga himaymay sa pagragasa ng kumukulong dugo mula sa naghihimagsik na puso…) isa kang bagong bumubukadkad na rosas wala sa panahong pinigtal sa tangkay ng buhay sa daluhong ng daluyong ng dalita ng di makatarungang lipunan gayong mabubulas naman mahalimuyak ang mga orkidyas na patuloy na dinidilig ng dugo’t […]

Tayong Lahat ay Kristel Ngayon

(1) Matapos lumabas ang ulat ng Philippine Collegian hinggil sa pagpapakamatay ni Kristel, estudyante sa unang taon ng Behavioral Science sa Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, dahil umano sa hindi pagbabayad ng matrikula ngayong semestre, agad-agad sumulpot ang tanong: Sapat bang dahilan ang kawalan ng kakayahang magbayad ng matrikula para magpakamatay ang isang tao? Tiyak, may mga […]

Trahedya ng nakararami

Nakakadurog ng puso ang istorya ni Lorena (di tunay na ngalan): 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at walang-trabahong ina. Matalino, puno ng pag-asa. Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain, iba pang gastusin. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Lorena at napuwersa na siyang mag-leave of absence

Pag-aakda bilang pagtatakda ng peryodista

Para sa isang peryodista, ang pag-aakda ay palaging nakatakda. Parating may hinahabol dahil laging nagmamadali ang balita. Parating may inuulat dahil ang bansa’y hindi nauubusan ng problema. May mga problemang paikot-ikot, may mga isyung hindi matapos-tapos. May mga kontekstong dapat masuri para ang balita’y hindi kapos. Madalas na panawagan ang pagpanig sa katotohanan, kahit na […]

Nasaan Ang Alpha At Omega?

sa gubat ng sagradong mga pangarap matagal na kitang hinahanap sa pagitan ng dilim at liwanag. hinahanap kita kung dapithapong naghihilamos ng dugo mukha ng naghihingalong araw hinahanap kita kung madaling-araw buwan ay namumutla-nakatulala nasaan ang alpha at omega ng ating pakikibaka? naglumot na ang mga dekada sa pader ng alaala sa daluyong ng habagat […]

Bakit kailangan nating matulog?

Naranasan n’yo na bang matambakan ng mga gawain na hindi kayang tapusin sa loob ng isang araw kaya nilalabanan n’yo ang antok? Bakit nga ba tayo dinadalaw ng antok araw-araw? Kung hindi na kailangang matulog ang tao, di ba mas maganda sana yun para mas madami tayong magawa sa loob ng isang araw? Bakit ba kailangan […]

Seryosong pagtingin sa aktibismo

Madaling matawag na aktibista. Mahirap panindigan ang esensiya. Unang ginamit ang salitang activism noong 1915, ayon sa Merriam-Webster. Ito ang kahulugan ng salita sa wikang Ingles: “(noun) a doctrine or practice that emphasizes direct vigorous action especially in support of or opposition to one side of a controversial issue.” Sa madaling salita, kahit anong pagkilos […]

Chavez Otra Vez

Lahat ng matapat na salaysay ng naging buhay ni Hugo Chavez, anti-imperyalistang pangulo ng Venezuela na namatay nitong Marso 5, ay naglalaman ng mahigpit na ugnayan niya sa mga maralita ng kanyang bansa. Galing siya sa hanay nila, una sa lahat – sa hanay ng mga maralitang sa konteksto ng Venezuela ay binubuo ng mga […]

Politika at retorika ng kampanya

Maraming pangako ang mga kandidato kapalit ng ating boto. Lahat ng gusto nating marinig, asahang sasabihin nila. Nagsimula na noong Pebrero 12 ang kampanya ng mga kandidato sa pagkasenador at para sa mga grupong party-list. Sa pagsisimula ng kampanya sa Marso 29 ng mga kandidato para maging miyembro ng House of Represenatatives (HOR), pati na […]