Opinyon

Passé na nga ba ang national industrialization?

Kamakailan, isang opisyal ng gobyerno ang nagsabi na passé na raw ang “national industrialization.” Sabi ni Edwin Lacierda, opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Aquino, na ang salitang “national industrialization” ay bahagi raw ng jargon noong 1960s at hindi na raw ito applicable sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa. Sa pagkabasa ko sa balitang ito, andami […]

Mayo’y Di Buwan Ng Mga Bulaklak

(muling iniaalay sa uring manggagawa) di buwan ng mga bulaklak ang mayo o prusisyon ng malanding reyna elena di rin ito panahon ng maringyang pista para sa kung sinu-sinong santo’t santa buwan ito ng pagtitigis ng dugo ng mga crisanto evangelista ng partido obrerong marxista paghihimagsik ito ng mga crispin beltran ng maalab na kilusang […]

Handa ka bang bumoto kay Casiño?

Kung nagdesisyon ka nang iboto para senador si Teodoro “Teddy” Casiño, hindi mo na kailangang ituloy ang pagbabasa. Tanggapin mo na lang ang aking pasasalamat at ipasa na lang ito sa ibang botanteng hindi pa kumbinsido. At kung sakaling naniniwala kang hindi siya nararapat mahalal na senador, may simple lang akong pakiusap: Basahin mo sana […]

Uhaw

“Tubig kayo d’yan! Tubig, sampung piso lang! Tubig!” Nakakauhaw noong araw na ‘yon. Nagkaroon ng kahulugan ang salitang “pagkakaisa” sa akin noong Mayo Uno–pagkakaisang masasabi kong totoo, tunay at hindi lamang palabas. Marahil, ang iba’y sumasang-ayon dito at ang iba nama’y hindi. Pero sa oras na naitapak mo na ang mga paa mo at ginugol […]

Para sa estudyanteng nagtapos nang may karangalan

May biro sa wikang Ingles tungkol sa dalawang klase ng estudyante: Those who are running for honors and those who are running away from honors. Kung ikaw ay nasa unang klasipikasyon at nagtapos nang may isa o higit pang medalya at sertipiko ng pagkilala, para sa iyo ang sanaysay na ito. Sa okasyon ng iyong […]

Tatak Stranded

Tatak daw ng isang biyahero ang pagka minsan ay mawalan ng pasaporte sa ibang bansa at maging stranded. Ma-stress man lang kahit minsan. Pero malamang para sa lampas 2,500 mga Pilipinong nakakampo ngayon sa embahada ng Pilipinas sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia, hindi lang stress kundi trauma ang kanilang nararamdaman. Hindi tatak ng isang […]

Botong Katoliko

Sa totoo lang, lumang istorya na ang “isiniwalat” ng isang sarbey ng Social Weather Stations nitong Abril. Humihina raw ang pananampalataya ng mga Katoliko? Parang sinabing sa telebisyon kapag tanghalian, Eat Bulaga ang numero uno. Ayon pa sa sarbey, isa sa bawat 11 Katoliko ang nag-iisip umalis. Pinakamadalang din daw magsimba ang mga Katoliko kumpara […]

TIME 100 bilang propaganda at negosyo

Tulad ng inaasahan, nagdiriwang ang Malakanyang sa pagkakasama ni Pangulong Noynoy Aquino sa kategoryang “Leaders” ng 2013 TIME 100. Ito ay ang listahan ngayong taon ng publikasyong TIME tungkol sa 100 indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng mundo na maimpluwensiya. Sa kanyang talumpati sa Lapu-Lapu City, sinabi ni Aquino sa wikang Ingles na siya raw […]

Baliktad

Noong unang araw ng overseas absentee voting sa Hong Kong, hindi na maipagkaila ni Commission on Elections (Comelec) Chair Sixto Brillantes na maliit na badyet ang dahilan kung bakit may mga binago sila sa OAV tulad ng hindi na paggamit ng indelible ink bilang palatandaang nakaboto na ang isang tao. Subalit ang mas nakakapagngitngit ay […]

Mga Luha Mo’y Pandayin

mga luha mo’y pandayin la tierra pobreza sa hulmahan ng adhikang dakila gawing mga punglo ng paglaya bawat butil na nalaglag sa damuhang pinanilaw ng pang-aalipin ng mga panginoon ng dusa’t hilahil. oo, la tierra pobreza sa higanteng mga templo ng mga altar at rebulto ng mga dasal at himno ng mga ritwal at rosaryo […]