Opinyon

Pagkatapos ng Araw ng Kalayaan

Ano ba ang ipinagdiwang natin noong Hunyo 12? Independence Day o In Dependence Day? Ang nangyari sa araw na iyon noong 1898 ay malinaw naman. Binasa sa Kawit, Cavite ang isang deklarasyon ng kalayaan na nakasulat sa wikang Kastila. Sa deklarasyong iyon, kinilala ang “kabutihan” ng Estados Unidos. Sa sobra ngang pagpupugay sa Estados Unidos […]

Canne(s/d) Films

Muling nabibigyang pansin ang pelikulang Pilipino sa dayuhang pinilakang tabing. Apat na full length feature films na gawa ng mga Pilipinong direktor ang itinanghal kamakailan lang sa Cannes Film Festival, ang sinasabing pinaka-prestihiyosong international film festival. Tampok sa Un Certain Regard na bahagi ng programa ang “Norte, Hangganan ng Kasaysayan” ni Lav Diaz at “Death […]

Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag

kahit malimit tayong nagugutom at kinakayod tumigas na tutong sa puwit ng kalderong ginahasa ng panahon tuloy pa rin madamdamin nating paglalakbay sa pagitan ng dilim at liwanag habang nagsasayaw sa telon ng balintataw nagliliyab na mga gunitang hitik sa mithiing dakila sinusuhayan ng mga ugat niyon pinatatatag ng puno niyong sintigas ng kamagong mga […]

Lesbian bilang bida’t kawawa

Bidang bida ang mga lesbian noong nakaraang linggo. Una, inamin ng isang sikat na mang-aawit na siya ay “tomboy.” Ikalawa, pansamantalang tinanggal ang comic strip ng isang kartunista dahil sa kanyang pagtalakay sa pagiging “tibo” ng ilang mag-aaral sa eskuwelahang para sa kababaihan. Kung paniniwalaan ang isang opisyal ng simbahan, ang sikat na mang-aawit ay […]

Paniwala sa Pandaraya

Marami nang nalathalang sulating nagsisiwalat sa kabulukan ng eleksyong 2013: hindi lantad ang kondukta, batbat ng maanomalyang aberya, at kwestyonable ang kinalabasan. Ang tinutungo ng lahat ng ito: nagkaroon ng malawakan bagamat mas nakatagong pandaraya, kasama ang posibilidad na pre-programmed na antemano ang resulta. Ang problema sa eleksyong automated, gayunman, lalo na sa bersyong ginamit […]

Moving on

Tapos na ang eleksyon, kaya mag-move on na raw tayo. Huwag nang pansinin ang mga ulat ng kabi-kabilang anomalya sa eleksyon dahil mga isolated cases naman ito. Huwag na ring palalimin pa ang sinasabing 60-30-10 na kakatwang trend dahil tiyak na maipapaliwanag naman. Huwag na ring balikan ang mga kapalpakan ng COMELEC sa pagtitiyak ng […]

Nag-iisang Superstar

Sampu-sampera na lang ang titulo sa showbiz—Da King, Star for All Seasons, Megastar, Comedy King, Diamond Star, Queen of All Media, Popstar Princess, Asia’s Songbird, at iba pa. Kung noon ibinibigay ang mga titulong ito bilang parangal sa mga artistang may mga natatanging talento, mas marketing strategy na lamang ang pangunahing gamit nito sa ngayon. […]

Malungkot na balita ngayong pasukan

Pasukan na naman. Tapos na ang bakasyon, pati ang eleksiyon. Balik-eskuwela ang mga bata. Balik-pasakit sa mga nakatatanda. Aabot sa 24 milyong kabataan ang pumasok sa mga paaralan ngayong pasukan. Ang mga inulat sa midya: ang paghahanda ng mga bata, magulang at mga eskuwela para sa pagbubukas ng bagong akademikong taon. Pero ang kulang sa […]

Bakit Natalo si Risa Hontiveros?

Maraming naglabasang pagsusuri kung bakit natalo si Risa Hontiveros sa kampanyang maging senador sa kakatapos na halalan. Dahil inilarawan siya ng grupo niyang Akbayan Partylist na kandidatong alternatibo o maka-reporma, marami-rami siyang tagasuporta mula sa panggitnang uri. Utang sa mga nasa panggitnang uri ang paliwanag kung bakit siya natalo. At maraming dapat ipaliwanag. Muntik na […]

Maynila, gobyerno at impyerno

Opo, tungkol ito sa bagong nobela ni Dan Brown na may pamagat na Inferno. Hindi tulad ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Francis Tolentino na binatikos si Brown sa isang liham noong Mayo 23 kahit na excerpt pa lamang ng libro ang nabasa niya, nagdesisyon akong basahin muna ang buong 104 na kabanata ng […]