Opinyon

Wala naman talagang maaasahan

Isang eleksiyon na naman ang nagdaan. Balik sa dating gawi ang mga nasa kapangyarihan. Hindi kaiba sa nakaraang mga eleksiyon ang ehersisyong pulitikal na isinagawa ng bansa noong Mayo 13. Itinambol ng masmidya ang pangangailangang bumoto, at iparinig daw ang boses ng masa sa pamamagitan ng balota. Pero natapos na ang halalan, ipinroklama na ang […]

Pakikibaka sa pagreretiro

LUNGSOD TABACO, Albay (Mayo 25, 2013) – Dito ipinanganak at lumaki ang asawa ko. Dito na kami magreretiro. Kahit na 20 taon pa bago kami umabot sa mandatory retirement age na 65, mainam na maghanda na ngayon pa lang, hindi ba? Limitado man ang pinansiyal na rekurso, kailangan pa ring pag-isipan kung saan titira sa […]

Eleksiyon bilang limitadong espasyo

Tapos na ang halalan. Patuloy pa rin ang kahirapan. Kung susuriin ang mga nangunguna ngayon sa bilangan, masasabing pare-parehong mukha’t pangalan ang mailuluklok sa maraming puwesto sa lokal at pambansang antas. Pamilyar ang mga apelyido dahil pare-parehong pamilya lang ang nagpapalit-palitan ng puwesto at nagsasalit-salitan sa pag-upo. At para naman sa ilang pansamantalang nawala sa […]

BoboBotanteBinayBashing

Pagkatapos ng araw ng eleksyon nitong Mayo 13, bumaha sa social networking sites ang dalawang bungkos ng sentimyento. Una, bobo ang mga botanteng Pilipino. Ikalawa, hindi karapat-dapat si Nancy Binay na manalo bilang senador. May mga pagkakataong nagdudugtong ang dalawa: Bobo ang botanteng Pilipino at patunay niyan ang pagkahalal sa batang Binay bilang senador. Pareho […]

Tapos Na Ang Pista’t Karnabal

natapos na ilang araw na pista sa tierra pobreza pinagpahinga na sa simbahan mga santo at santa nalustay na multi-bilyong piso ng mga juan at juana kailan uli susunod na pista? giniba na tanghalan ng kahangalan ng ilusyon at kasinungalingan nagsara na beto-beto sa peryahan itinupi na telong asul ng karnabal hangal na mga payaso’y […]

Eleksiyon at social media

Para sa mga kandidatong may limitadong pondo, malaki ang pasasalamat nila sa social media tulad ng Facebook. Bukod sa libreng paggamit ng mga ito, may paniniwalang malawak na botante ang naaabot sa simpleng paggamit ng Internet para maipaabot ang mensahe sa panahon ng kampanya. Wala namang debate sa puntong libre ang pagkakaroon ng account sa […]

Sigh of Relief Effect

Marami ang nababahala dahil kulang-kulang isang linggo bago ang eleksyon sa Mayo 13, nagkaroon ng malawakang brownout sa Metro Manila at sa hilaga at gitnang Luzon. Kahit siguro hindi automated ang eleksyon, may dahilan para mabahala sa pagkawala ng kuryente – pero lalo na nga’t automated ang eleksyon. Hindi iilan ang nagsabi na bahagi ito […]

Sa aking pamilya

Ilang araw na lang, kayo na ang mamimili. Tulad din sa ibang migrante, kadugtong daw ng aking bituka kayo. Kaya naman umaapela ako sa inyo, mga mahal ko sa buhay, na ikunsidera ang kalagayan ng mga nasa abroad pagtapak n’yo sa mga presinto. Hindi na kayo bago sa mga kuwento ng mga migrante na hindi […]

Musika Mo’y Minamahal Ko

(Tula — malayang salin ng orihinal kong Your Music I Love) musika mo’y minamahal ko mga tunog ng tambol sa maitim, nananangis na gabi umaatungal na ritmo ng mga putok ng baril sa labirinto ng kaisipan ko hitik sa sumisikdong kadensang humahagupit na lintik sa gulugod ko naglulundo sa dagundong ng sumabog na mga bombang […]

Teddy sa Tagumpay

Kakadikit ko lang ng mga plastik na poster ni Teddy Casiño sa bintana ng bahay namin, at nakakaramdam ako ng pagmamalaki. Paumanhin sa mga kapwa-aktibista sa pagkahuli; hindi ko na bibigyang-katwiran ang mali. Nangangampanya naman ako. Noon ngang kasal ng kapatid ko, inikot ko ang mga mesa sa restawran para magpakilala na kuya ng ikinasal […]