Opinyon

Kuwento ng sagradong grado

Tulad ng iba pang estudyante, pinagdaanan ko rin ang pagiging GC. Sa mga hindi nakakaalam, ang ibig sabihin ng GC ay “grade-conscious” – ang parating pag-iisip kung paano mapapataas ang marka sa isang kurso para masabing siya ang pinakamatalino. Para sa isang GC, umiinog ang mundo sa loob ng klasrum. Ang tanging sukatan ng kakayahan […]

Pag-asa at pakikibaka

Hindi naman masama ang umasa. Katunayan, ‘yan ang pinanghahawakan ng marami sa ating mga kababayang napilitang magtrabaho sa labas ng bansa bunga ng kagipitan. Pag-asa na may mababago sa kanyang buhay. At marahil, ‘yan din ang mismong pag-asa na dapat magtulak sa atin na lumahok sa overseas absentee voting na magsisimula na ngayong Sabado. Kahit […]

Totoo ba ang climate change?

Madalas nating maririnig o mababasa ngayon sa TV, radyo at dyaryo ang terminong climate change. Pero ano nga ba ito? Hindi ba’t palagi namang nagbabago ang panahon? Eh ano ang kaibahan ng climate change sa likas na pagbabago ng panahon? Ito ang ilan sa mga katanungan na madalas maririnig sa mga debate tungkol sa climate […]

Gusto mo pa bang mag-aral sa UP?

Aminin mo. Nagdadalawang-isip ka. Kung nasa hayskul ka pa lang, pinag-iisipan mo nang seryoso kung kukuha ka ng eksaminasyon para makapasok sa tinaguriang “pambansang unibersidad” ng ating bansa. Kung estudyante ka naman ng unibersidad na ito, pinag-iisipan mo na rin siguro kung ipagpapatuloy mo pa ang pag-aaral sa pamantasang hirang. Unibersidad ng Pilipinas. UP naming […]

SOS!

Nanganganib ngayon ang ating mga kababayang istranded sa Kingdom of Saudi Arabia. Nahaharap sila sa deportasyon ng gobyernong Saudi bunga ng programang Nitaqat na siyang bersiyon ng KSA ng lokalisasyon ng empleyo. Hindi na bago ang “lokalisasyon” ng mga bansang nag-i-import ng dayuhang mga manggagawa. Dahil kapag may krisis sa daigdig, parang korong umaawit ang […]

Turing Alipin

Nang katigan ng Court of Final Appeals ang gobyerno ng Hong Kong sa hindi pagpapahintulot sa FDWs na mag-apply ng right of abode, para na rin nitong sinentensyahan ang lampas 300,000 domestic helpers dito – kabilang ang mahigit 130,000 na Pilipino – sa pang-habambuhay na tratong alipin. Isang taon matapos tangkain ni Evangeline Vallejos, isang […]

Dalawang Tula Sa Semana Santa

1. Di Na Kami Mananalangin Sa Gethsemane di na kami lalakad nang paluhod sa paanan ng bundok ng mga olibo di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane sa silangang jerusalem sa may sapa ng kedron pauit-ulit na kaming nilatigo ng mga senturyon ng estado nakatihayang dinuran-tinadyakan pinalunok ng ostiya sa maruming inodoro pinalagok ng […]

Bakit pinag-initan si Galileo ng Simbahang Katoliko

Marami ang nakakakilala sa pangalang Galileo Galilei, isang pilosopo na binabansagang “ama ng makabagong siyensiya.” Nag-aral siya ng mga batas ng paggalaw ng mga pisikal na bagay. Itinuturing si Galileo bilang pangunahin sa “higanteng mga tinutuntungan” ng isang kilalang siyentista na si Isaac Newton. Naging bantog siya sa kanyang mga paliwanag kung paano gumagalaw ang […]

Hindi Lahat ng Mahirap

“Wala sa suicide note ni Kristel Tejada ang matrikula, kaya may ibang posibleng dahilan sa pagpapakamatay niya.” Ito ang pinag-uumpisahang punto ni Manuel Buencamino, propagandista ng gobyernong Aquino, sa sanaysay niya tungkol sa naturang isyu. Napakateknikal namang pamantayan ng suicide note. Kapag nagpakamatay ka ba, ilalagay mo, “Dahil ito sa wala akong pambayad ng matrikula”? […]

Yakap ng Pagpapakamanhid

Nabasa ko ang “What We’re Not Saying About Kristel Tejada,” isang sanaysay na nakalagay sa Notes sa Facebook ng isang Aya Tantiangco. Nabahala ako na maraming nagbahagi o nag-share ng sulating ito sa Facebook – lampas 3,000 nang makita ko. Hindi ko kilala si Bb. Tantiangco, at may positibo sa ganitong kalagayan: Matutugunan ko ang […]