Karapatang Pantao

Landas ng impunity, patungong Malakanyang

Sa protestang pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), iba’t ibang grupo ng midya, guro at mga estudyante ng pamamahayag, grupong pangkarapatang pantao at militanteng mga grupo, inirehistro ang pagkabahala ng marami: Dalawang taon matapos ang masaker ng 58 katao, kabilang ang 33 mamamahayag, malayung malayo pa rin bago makamit ang hustisya.

Martsa ng alyansang End Impunity Now, kabilang ang mga lider ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. (Macky Macaspac)
Martsa ng End Impunity Alliance, kabilang ang mga lider ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto o Selda, at Gabriela, organisasyon ng militanteng kababaihan. (Macky Macaspac)
Impunity, o kawalan-ng-pananagutan, ang itinuturong dahilan ng paglaganap ng pamamaslang sa mga mamamahayag, gayundin sa mga aktibista at sibilyan. (Macky Macaspac)

Pinuntirya rin ng mga nagprotesta ang administrasyong Aquino, na anila'y hindi pa ginagawa ang sapat na dapat gawin para maresolba ang kaso ng masaker sa Ampatuan at iba pang paglabag sa karapatang pantao. (Macky Macaspac)

Dinaanan ng martsa ang "trail of impunity" patungong Mendiola. (Macky Macaspac)

Sa loob ng "police line" na simbolikong nilagay ng NUJP sa Mendiola para ipahiwatig ang lugar ng masaker sa Ampatuan, humiga ang mga mamamahayag habang idinrowing ang kanilang outline. Simbolo umano ito ng mga biktima na di pa rin nabibigyan ng hustisya. (Macky Macaspac)

Mga miyembro ng College Editors Guild of the Philippines na nagdramatisa sa pamamaslang sa mga mamamahayag at mamamayan sa Ampatuan, Maguindanao noong Nob. 23, 2009. (Macky Macaspac)

Sundan sa sunod na pahina