Manggagawa

Panibagong sistema ng pasahod tinututulan ng mga obrero


Muling kinalampag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang  tanggapan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), para tutulan ang two-tiered wage system na ipinapatupad na sa labing-isang rehiyon sa buong Pilipinas. “Ginagatungan ng administrasyong Aquino ang galit ng mga manggagawa.  Hindi lang nito tinanggihan ang makabuluhang dagdag sahod, ipinatupad pa nito ang 30 porsiyento kaltas […]

Muling nagpiket ang mga manggagawa sa harapan ng National Wages and Productivity Commission para iparating ang kanilang pagtutol sa panibagong sistema ng pasahod ang 2 tiered wage system. (Macky Macaspac)
Muling nagpiket ang mga manggagawa sa harapan ng National Wages and Productivity Commission para iparating ang kanilang pagtutol sa panibagong sistema ng pasahod ang 2 tiered wage system. (Macky Macaspac)
Muling nagpiket ang mga manggagawa sa harapan ng National Wages and Productivity Commission para iparating ang kanilang pagtutol sa panibagong sistema ng pasahod ang 2 tiered wage system. (Macky Macaspac)

Muling kinalampag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang  tanggapan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), para tutulan ang two-tiered wage system na ipinapatupad na sa labing-isang rehiyon sa buong Pilipinas.

“Ginagatungan ng administrasyong Aquino ang galit ng mga manggagawa.  Hindi lang nito tinanggihan ang makabuluhang dagdag sahod, ipinatupad pa nito ang 30 porsiyento kaltas sa sahod,” sabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Sinabi pa ni Soluta na ang bagong sistema ng pasahod ay magbibigay dahilan sa mga employer  para magbawas ng mga manggagawa.

Sa panibagong sistema, may itinakdang floor wage ang NWPC na ibinatay sa “poverty threshold” na nasa P46.00 lamang mula sa  dating P52.00.  Wala din umanong aashang mga umento ang mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage.

“Patuloy na tatanggap ang mga minimum wage earners ng minimum wage samantalang sa two-tiered wage system ibibigay ng mga kapitalista ang floor wage sa bagong mga empleyado,” ani Soluta.

Sa ilalim pa ng bagong sistema, sinabi ni  Soluta na ipapangako lamang nga mga employer ang pagbigay ng umento sa pamamagitan ng productivity-wage hike para puwersahin ang mga manggagawa na kumayod sa pagtratrabaho sa mas mahabang oras.

Kuha ni Macky Macaspac
Kuha ni Macky Macaspac

“Sa huli, ang mga kapitalista ang magpapasya kung magbibigay sila ng productivity wage hike o hindi,” sabi ni Soluta.

Ibinahagi din ni Soluta ang pahayag ni Ahmma Satumba , direktor ng NWPC, sa isang porum  na linahukan ng mga lider-manggagawa kamakailan, na sa ilalim ng ipinatupad na two-tiered wage system, 70 porsiyento lamang ito ng minimum wage at ang floor wage umano ang papalit sa minimum wage.

Ngunit iginiit naman ng KMU na ipinatupad ng two-tiered wage system ang mas mababang pasahod kaysa sa itinakdang minimum wage, maliban sa Metro Manila na ang floor wage ay magiging P456.00 pa rin na resulta na ring ng P30.00 na dagdag sa Cost of Living Allowance na ibinigay noong Mayo.

Nagbanta ang grupo na kanilang tutulan ang pagpapatupad ng nasabing bagong sistema ng pasahod.