Karapatang Pantao

Bago magbagong taon, organisador ng mga guro sa Cagayan, inaresto


Pinanawagan ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang agarang pagpapalaya sa ikinulong na ogranisador ng mga guro sa Tuguegarao City, Cagayan noong Disyembre 28. Inaresto si Rene Abiva, 23, isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at organisador ng ACT Teachers Party-list, ng Philippine National Police Region 2 Intelligence Division. Sinampahan […]

Rene Boy Abiva, nagbagong taon sa piitan sa Cagayan. (Mula sa kanyang FB account)
Rene Boy Abiva, nagbagong taon sa piitan sa Cagayan. (Mula sa kanyang FB account)

Pinanawagan ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang agarang pagpapalaya sa ikinulong na ogranisador ng mga guro sa Tuguegarao City, Cagayan noong Disyembre 28.

Inaresto si Rene Abiva, 23, isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at organisador ng ACT Teachers Party-list, ng Philippine National Police Region 2 Intelligence Division. Sinampahan siya ng kasong murder na konektado sa isang engkuwentro ng militar sa New People’s Army sa Tinoc, Ifugao noong Abril 2012.

Kinondena ni Tinio ang patuloy na pagsasampa ng mga awtoridad ng gawa-gawang mga kasong kriminal laban sa mga aktibista.

“Paano masasangkot si Abiva sa sinasabing krimen, kung sa panahon ng insidente sa Tinoc siya ay nagpapatuloy sa kanyang trabaho bilang municipal liaison officer ng DSWD para sa programa nitong conditional cash transfer?” ayon kay Tinio.

Kinondena ni Tinio ang panghaharas sa mga aktibista bilang bahagi umano ng kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na Oplan Bayanihan.

“Ang gawa-gawang kasong ito laban kay Abiva ay dapat ibasura at agad siyang palayain,” dagdag ni Tinio.

Dagdag ni Tinio, ang PNP sa ilalim ni Aquino ay responsable sa taktikang pagsasampa ng mga gawa-gawang kriminal na kaso sa progressibong mga aktibista upang iharas, ikulong, o bigyang alinlangan ang kanilang partisipasyon sa pag-oorganisa at paglaban para sa mga isyu ng mga mamamayan.

Ibinigay na halimbawa ni Tinio si Agnes Mesina, isang human rights activist at taong-simbahan na inaresto rin sa Tuguegarao ng PNP sa kasong murder at ikinulong bago siya makapagpiyansa.