Balita

Mga Larawan: Mediation team ng SC sa Luisita, kinondena ng mga magsasaka

Nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita para iprotesta sa Korte Suprema ang pagbubuo diumano ng isang mediation panel para masolusyonan ang sigalot sa asyendang inaangkin ng pamilya Cojuangco. Ayon sa mga magsasaka, hindi na kailangan ng mediation panel dahil matagal nang nahusgahang di makatwiran ang iskemang stock distribution option (SDO) na ipinatupad sa asyenda at dapat nang ipamahagi ang lupain dito sa mga magsasaka.

Grupo ng magsasaka, duda kay Etta Rosales sa CHR

Pinangangambahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka ((Peasant Network for Land, Justice and Human Rights) na madadagdagan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa buong bansa matapos pormal na umupo ni dating Akbayan Rep. Etta Rosales bilang Chairman ng Commission on Human Rights (CHR).

$400-M conditional cash transfer magastos, di katanggap-tanggap – Rep. Casiño

“Magastos at di katanggap-tanggap” ang tawag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa US$400 Milyong programang conditional cash transfer (CCT) na ipatutupad ng gobyerno simula ngayong taon. Ang programa ay pinondohan ng World Bank. “Matapos tiyakin ni Budget Secretary Floriencio Abad sa budget hearing noong Setyembre 2 na walang pangungutang na magaganap sa pagtataas ng […]

Pambansang badyet para sa edukasyon, nakaambang tabasan

Maglulunsad ng kampanya laban sa nakaambang pagkaltas sa alokasyon ng pambansang badyet para mga SUCs ang mga lider-konseho ng mga mag-aaral at student regents ng iba’t ibang state colleges and universities (SCUs).

Magsasakang desaparecido ipinanawagang ilitaw

Nanawagan noong Agosto 30, Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka kay Pangulong Aquino na ilitaw ang mga lider-magsasaka at aktibistang biktima ng sapilitang pagkawala tulad nina Nilo Arado, Jonas Burgos, Ronald Intal at Manuel Merino. Ang mga biktima ay dinukot ng pinaghihinalaang elemento ng Armed Forces of the […]