Balita

Manggagawa pinatay, magsasaka pinalayas sa Timog Katagalugan

Isang lider-unyon ang pinatay at isang komunidad ng mga magsasaka ang dinemolish sa Timog Katagalugan simula kahapon, mga magkakasunod na insidenteng kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (Bayan-ST) bilang “matinding atake” laban sa mga progresibo matapos ang eleksiyon. Bandang ala-sais ng gabi noong Hunyo 2, binaril at pinatay si Edward Panganiban ng hindi pa nakikilalang kalalakihan […]

Babala ni Alston: Susunod na pangulo, baka ‘di maparusahan ang AFP

Idiniin ni Philip Alston, United Nations Special Rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions na dapat bigyang-halaga ang pagpaparusa ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao, para matigil ang culture of impunity sa bansa na kanyang unang inihayag noong 2007. “It is very important, in […]

Atake ng Israel sa Freedom Flotilla, kinondena ng mga Pinoy

Kinondena ng iba’t ibang grupong Pinoy sa Pilipinas, Canada, at Hong Kong ang atake ng Israel sa flotilla na nagdadala ng ayuda patungong Palestine, kung saan 19 sibilyan ang namatay at daan-daan ang nasugatan, kabilang ang mga aktibista mula sa iba’t ibang bansa. “We join the whole world in condemning in no uncertain terms the […]

Ibon: Paglago sa ekonomiya, di lumilikha ng trabaho

Hindi maituturing na “good news” ang naitalang mataas na paglago ng ekonomiya sa unang kuwarto ng taon dahil hindi naman ito nakapagliha ng trabaho o nakapag-angat ng mga Pilipino mula sa kahirapan, ayon sa indipendiyenteng think-tank na Ibon Foundation. Lumago ng 7.3 porsiyento ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, ang pinakamataas sa loob ng […]

Paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo, ihahapag sa United Nations

Tutungo sa Geneva, Switzerland ang isang delegasyon ng mga aktibista para ihapag sa 14th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Arroyo, kabilang ang kaso ng ‘Morong 43’ o detenido pa ring mga doktor at health worker. Umaasa rin ang Ecumenical Voice for Peace […]

Dispersal sa Hacienda Yulo: 10 magsasaka, kabilang ang menor-de-edad, nakapiit pa rin

Nananatiling nakapiit ang 10 magsasakang ilegal na aresto sa dispersal kahapon sa Hacienda Yulo, na kinondena ng militanteng mga grupo bilang “pinakamarahas” na land dispute matapos ang halalan at isang hamon kay presidential frontrunner Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na seryosong tugunan ang mga problema ng magsasaka sa lupa kapag naupo sa puwesto. Mahigit 50 […]

‘Diskriminasyon’ sa canvassing ng party-list, kinuwestiyon

Kinuwestiyon ng Bayan Muna ang umano’y “diskriminasyon” ng Commission on Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) laban sa mga party-list dahil sa mabagal na pagbilang at pagsasapubliko ng resulta ng canvassing ng mga boto para sa party-list. Inanunsiyo ng PPCRV ngayong araw ang terminasyon ng kanilang canvassing; habang umalis sa Philippine International […]