Balita

Kabataan nag-walkout sa klase para igiit ang karapatan sa edukasyon

Sampung araw bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pang. Benigno Aquino III, mahigit isang libong mag-aaral sa Maynila ang lumabas sa kanilang mga silid-aralan noong Hulyo 16 at tumungo sa Mendiola upang ilahad ang kanilang mga kahilingan sa bagong pangulo. Nagsagawa rin ng kasabay na pagkilos ang mga kabataan sa mga […]

78 anyos na magsasaka, ikalawang aktibistang pinaslang

Tinutukoy ang mga miyembro ng 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay na nasa likod ng pagpaslang sa isang 78 anyos na lider-magsasaka sa Nueva Ecija, ang ikalawang aktibista na biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng gobyernong Aquino. Hinamon ng mga militante si Pang. Benigno Aquino III na gumawa ng konkretong aksiyon para itigil […]

Pagpapalaya ng Morong 43 sa humanitarian grounds, hiniling

Sa ika-limang buwan ng pagkakabilanggo ng 43 detenidong doktor at health workers, tuloy ang panawagan ng Free the 43 Health Workers Now! Alliance na palayain ang tinaguriang ‘Morong 43’. Kagyat ang kanilang panawagan sa pagpapalaya sa mga detenido sa “humanitarian grounds”. Ito’y dahil sa anila’y maseselang kondisyon ng ilan sa mga nakakulong, lalo na ang […]

Suspensiyon ng toll hike sa SLEX, ipinagbunyi

Nagbunyi ang militanteng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa pagpapaliban sa toll hike sa South Luzon Expressway (SLEX) na dapat sanang ipapatupad bukas, Hulyo 7. Sinabi kahapon ng Toll Regulatory Board na boluntaryo munang inatras ang toll hike ng MTD Capital Berhad, kompanyang nagpondo sa SLEX. Pero sa isang pahayag, […]

Aktibista sa Aklan, unang pinaslang sa administrasyong Aquino

Walang pang isang linggo ng pagkakaupo sa puwesto ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III, tila nagsimula nang muli ang ekstra-hudisyal na pamamaslang ng mga aktibista na tumampok noong administrasyong Arroyo. Binaril sa harap ng kanyang inuupahang bahay sa Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan si Fernando Baldomero, coordinator ng Bayan Muna sa Aklan at miyembro ng Sangguniang […]

Unang bigwas ni ‘P-Noy’?: Magsasaka sa Mendiola inaresto, kampuhan dinispers

Unang bigwas kaya ito ng kamay na bakal ng administrasyong Noynoy Aquino? Dinispers ng mga elemento ng Philippine National Police ang kampuhan ng mga magsasaka sa paanan ng Mendiola Bridge, Manila alas-tres ng hapon ngayong araw. Umabot sa 41 magsasaka ang arestado at ikinulong sa himpilan ng Manila Police District sa UN Avenue, Manila, ayon […]

Noynoy hinikayat na tumindig laban sa Charter Change

Kagyat na dapat magsalita si Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa inihain ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na panukalang batas para sa pagbabago ng 1987 Konstitusyon. Sa isang pahayag, sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na “walang hiya” si Arroyo sa pagtutulak sa Cha-Cha na […]

Edukasyong bokasyunal, di tanggap na alternatibo ng kabataan

Hindi tanggap ng kabataan ang edukasyong bokasyunal bilang alternatibo sa pagkokolehiyo o tertiary education na suportado ng gobyerno, ayon sa mga kabataan na nagmartsa ngayong araw patungong Mendiola. Sa isang pagkilos, ipinaabot nila kay Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat maging prayoridad nito ang reporma sa edukasyon sa unang 100 araw ng panunungkulan. Sa […]

Sa pagpaslang ng lider-obrero: Aquino, AFP hinamon sa ekstrahudiysal na pamamaslang

Umiigting ang presyur ngayon kay Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III na itigil ang ekstrahudisyal na pamamaslang at iba pang paglabag sa karapatang pantao matapos ang pagpaslang kamakailan sa isang lider-obrero sa Negros Occidental ng pinaghihinalaang mga miyembro ng Philippine Army. Naghihintay sa tabing-kalsada sa Sitio Antipolo, Brgy. Buenavista si Benjamin Bayles, organisador ng National Federation […]