Ngayong SONA, bansang bumibigwas kontra sa Con-Ass ni Gloria

Iba't ibang grupo't sektor na nagprotesta bago ang SONA: Hindi papayag na matuloy ang Cha-Cha sa SONA ni Arroyo. (Darius Galang)
Ito na yata ang State of the Nation Address (SONA) na pinaka-inantabayanan ng mga mamamayan.
Umaasa ang taumbayan na ito na ang huli sa mahigit walong taon ng pamamayani ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pinakamakapangyarihang puwesto sa bansa. Pero inaaantabayanan rin ito dahil kung hindi babantayan, baka nga hindi pa ito ang maging huli. Sa bisa ng isang Constituent Assembly, baka magkatotoo pa ang matagal nang niluluto ng rehimen: Ang pananatili ni Arroyo sa kapangyarihan.
Nitong nakaraang mga araw at linggo, naging abala ang Pinoy Weekly sa pagkober sa mga pagkilos at protesta ng iba’t ibang sektor at grupo na ayaw pumayag na mangyari ito.
Hayaan ninyong balikan natin ang papalakas na mga protesta bago ang SONA ni Arroyo.
Mula sa kanilang mga komunidad maaaninag ang tunay na lagay ng bayan. Sa isinagawang SOUP o State of the Urban Poor, isiniwalat ang “halos siyam na taong pagkakait ni Pangulong Arroyo sa taumbayan ng batayang mga pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan at serbisyo.”
Larawan at video: 9-na-taong panunungkulan ni Arroyo binatikos sa martsa sa Mendiola
Larawan at video: Sayaw ng mga migranteng Moro laban sa Charter Change at term extension
Video: Gabriela, iniladlad ang gahiganteng quilt kontra kay Gloria at Con-Ass
Larawan at video: Silang naglakbay tungong Maynila para iprotesta ang SONA (Updated)
Balita: Kabataang Pilipino sa New York, New Jersey nagprotesta vs gaganaping SONA ni Gloria
Video: Maralitang kababaihan nag-ingay laban sa napipintong SONA
Video: Walkout ng mga estudyante laban sa Con-Ass
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2944














ANO PO ANG SINABI NYO NOONG HULING SONA NYO ASSIGNMENT PO KASI NAMIN AT HINDI KO PO NAABUTAN ANG INYONG SONA.