Sa kabila ng malakas na ulan, nagsitigil-pasada ang mga drayber ng jeepney sa Litex, Quezon City para kondenahin ang sinasabing manipulasyon ng mga kompanya ng langis sa presyo ng langis. Pinangunahan ng Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide o Piston ang naturang pagkilos. (Ronalyn V. Olea / bulatlat.com)Lumabas din ng kalsada ang mga drayber ng jeepney at mga tagasuporta nila sa Davao City para iprotesta ang di makatarungan umanong mga pagtaas ng presyo ng langis kamakailan. (Keith Bacongco / AKP Images)
Maglulunsad ng tigil-pasada ang mga tsuper at opereytor ng jeepney, bus at iba pang moda ng transportasyon sa Set. 29 at 30 laban sa walang ampat na pagtaas ng presyo ng langis na lubhang nakaaapekto na sa kanilang kabuhayan.
Wala pang inaanunsiyong tiyak na petsa ang grupo, subalit sentral sa kanilang isinusulong ang pagtanggal ng excise tax at value-added tax sa langis at ang pagbasura sa Oil Deregulation Law.
Naghain ng fare hike petition ang mga grupo sa pampublikong transportasyon sa LTFRB dahil halos wala nang kinikita ang mga tsuper ng jeepney sa mataas na presyo ng langis.
Halatang walang balak si Ferdinand Marcos Jr. na kontrolin ang presyo. Hindi dapat hintayin na biglang makonsensiya si Ramon Ang ng Petron. Pinakamabisang paraan para makatulong ang karaniwang tao ay pagsuporta sa laban ng karaniwang tsuper at komyuter.