Apat na sundalo patay sa ambush ng NPA sa Davao
Apat na sundalong kabilang sa 10th Infanrty Division (ID) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay sa isang ambush ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Davao City noong Agosto 30, 2009.
Sa pahayag ni Ka Parago ng 1st Pulang Bagani Company ng Merardo Arce Command, naganap ang ambush bandang ala-una ng hapon sa Brgy. Dalagdag, Calinan District, Davao City. Bukod sa apat na napatay, anim pa ang sugatan sa mga sundalo, ayon sa NPA.
Nakakumpiska rin ng isang mini machine gun ang mga rebelde.
Ayon sa NPA, ang naturang opensiba ay parusa ng mga komunista sa pinagsamang 69th IB at 10th ID ng AFP dahil sa malubhang paglabag ng mga ito sa karapatang pantao ng mga sibilyan sa Davao at Southern Mindanao.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3726














naalala ko ang brutal na kamatayan ni rebelyn parago.